"Nathalie!" bulalas ko nang sumaldak siya sa isang kama. "Pasensya na, miss." Agad akong tumakbo kay Nathalie. Binuhat ko siya at binulungan. "Pero gusto ko po 'yon!" Nakasimangot niyang turo. "May napili ng kama si Daddy. Para 'yon sa ating tatlo kaya paglaki mo na lang natin 'yon bibilin, ha?" "Mommy!" angal niya pa rin. Tinignan ko na si Rico na nakapamewang ngayon mula sa malayo. Nakatuon ang atensyon niya sa pagpili ng couch. "Mommy, sige na po. Cute po 'yon, oh." "Baby, sa susunod na lang kasi marami pa tayong bibilin." "Niiiihhh!!" "Ano ba 'yon?" tanong ni Rico na lumalapit na sa amin. Kinuha niya sa akin si Nathalie bago ako tingnan ulit. "Anong problema?" "Gusto niya raw 'yon." Turo ko sa kulay pink na kamang pangbata. "Edi bilin natin." "Mahal, marami pa tayong b

