"Rico!" hiyaw ko nang sumugod siya sa kabilang bahay. "'Wag kang pabigla-bigla. Ikaw na ang nagsabing hindi siya diyan nakatira." Hindi siya nakinig. Sinipa niya ang pinto at pumasok nang walang paalam sa loob. Sinundan siya nila mama. Gulat akong natigilan nang makita ang isang malaking white board. May larawan ko 'yon pati na ang mga taong mahahalaga sa akin. "Ito ang nawawalang pahina sa librong nahanap ko sa public library!" Turo ni Mama kila tita na mabilis na lumalapit. "Siya nga." "Paano magagawa 'yan ng isang tao lang?" takang tanong ni Raven habang nakapamewang. "Pagmamahal, tsk. Ibang klase talaga, hindi ba?" Ngisi ni Zelim. "Hindi na 'yon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay makita natin siya." Tinignan ni Tita Prescila si Rico na galit na galit ngayon. "Kapag nakita ko siy
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


