"Isang buwan." Hindi ko maalis ang tingin ko sa harapan ng salamin habang hawak ang kwintas na bigay ni Lola. May kapangyarihan itong mapatagal ang buhay ng isang tao, ngunit para sa akin, buwan na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. "Mahal, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Rico kasabay ng paghalik sa balikat ko. Niyakap niya ko sa bewang bago ko titigan sa salamin. "Dalawang buwan na ang nasayang ko dahil sa pagtulog. Hangga't maaari gusto kong 'wag munang matulog. Kung kaya ko nga lang na dilat sa loob ng isang buwan, gagawin ko. Para mas matagal ko kayong makasama." "Please, 'wag mo na munang ipaalala. Hindi ko kayang pakawalan ka," mahina niyang sabi. Nandito pa rin kami ngayon sa kastilyo ni Zelim. Kanina lang nilibing si Lola kaya naman bukas pa kami uuwi sa kabil

