"Daddy!!" Agad na tumakbo si Nathalie at humalik sa daddy niya. Hindi ako tumayo sa pagkakahiga sa couch, sinulyapan ko lang siya bago bumalik ng tingin sa TV. "Mommy, may pasalubong ako galing kay daddy!" Takbo ulit ni Nathalie pabalik naman sa akin. Hinarang niya sa mukha ko ang isang malaking chocolate bar. Winawagayway niya 'yon habang ngiting-ngiti na para bang iniinggit niya ko. "Baby, 'wag mo muna 'yang kakainin. Kakain muna tayo ng hapunan, ha?" bawal sa kanya ni Rico. "Mahal, may sakit ka ba?" Tinapunan ko siya sandali ng tingin. Naghahain na siya sa lamesa ng pagkaing dala niya at kanin. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naiirita ko sa kanya. Kanina ko pa naman iniiwasang mag-isip nang masama pero— "Bakit ba?" Iniwasan ko 'yung kamay niya. Mahina siyang tumawa at tu

