"Paanong nakatira siya sa tapat natin? Matandang mag-asawa ang nakatira doon." "Totoo ang sinasabi ko," sagot ko na 'di na mapanatag. "Sa tingin mo ba ini-stalk niya ulit ako?" Tinignan ko siya na nakatayo ngayon sa tabi ko. "Kahapon lang, nakita ko pa 'yung mag-asawa do'n. 'Wag kang mag-alala. Nagsisinungaling lang 'yung ungas na 'yon." "Edi talagang sinusundan niya pa rin ako!" Napabuga ko ng hangin habang nauupo sa dulo ng kama. Biglang sumakit ang ulo ko kakaisip. Hindi ko naman kasi maalala si Gian. Kung hindi pa sabihin ni Rex na stalker ko siya dati ay talagang maniniwala na ko sa mababait niyang pag-asta sa harapan ko. "Mahal, paano kung ini-stalk niya pa rin talaga ko?" Seryoso lang akong tinignan ni Rico, nakahalukipkip at nakakunot ang nuo. "Ahm, excuse me po? Tawag po

