ERIN POINT OF VIEW Hindi tulad ng ibang mga naging boss ko. Mas hamak daling pakisamahan nila Rico. Hindi nila ko gaanong pinahihirapan at kung minsan ay si Rico pa ang mas hirap sa aming dalawa. Lagi ring nagluluto si Tita Kassandra ng pagkain, umagahan, tanghalian at kung minsan ay may meryenda pa. "Mommy, mali ka. Hindi po ganyan," parang matandang sabi sa akin ni Nathalie habang nanunuod siya. Kinuha niya sa akin ang flower crown na ginagawa ko at siya ang nagtusok-tusok doon. Tinawanan lang kami ni Tita Kassandra. "Matututo ka rin," nakangiting sabi naman ni Rico habang naggagawa rin ng sa kanya. "Nakakatuwa po, ang daming bumibili po talaga sa inyo." "Mas marami pa nga dati. Kung hindi lang nagsara itong si Rico," sagot sa akin ni Tita. "Saan niyo po ba kinukuha 'tong mga b

