EIGHTY-FIVE

3159 Words

ERIN POINT OF VIEW Kanina pa tahimik si Rico na nakaupo lang sa isang gilid. Walang orders ngayong araw, wala ring customers at nakakabingi ang katahimikan. "Pumasok ka ba ng bahay kahapon?" Namilog ang mga mata ko at mabilis siyang tinignan. "H-hindi," kasinungalingan kong sagot at napalunok nang makita ang labi niya. Umiwas agad ako ng tingin at kunyaring nagpalumbaba patingin sa ibang direksyon. "Ah, buti kinaya mong mag-isa kahapon," malumanay niyang sabi. "Wala rin namang gano'ng ganap kahapon." "Sure kang hindi ka pumasok ng bahay kahapon?" "Oo nga, hindi." "Bakit ayaw mong tumingin dito?" Narinig ko ang pagkaluskos ng upuan niya kaya napalingon ako na saktong mukha niya na ang nakalapit sa akin. Napalunok agad ako. "Pumasok ka ba ng bahay? May nagawa ba kong mali?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD