ERIN POINT OF VIEW "Hi," bati sa akin ng mama ni Rico kaya nagulat ako at halos mapahakbang paatras sa pintuan ng shop. "Good morning po," ilang kong bati. "Erin, hija, pasok ka. Nga pala si Prescila. Hindi ba nagkita na kayo dati?" mabait na bati sa akin ni Tita Kassandra. "Si Ina ang naghatid ngayon kay Nathalie kaya dalawa kaming makakatulong niyo muna dito." Napatingin ako kay Rico. Tahimik lang siya at hindi bumabati sa akin. "Magkagalit ba silang dalawa?" tanong ng mama niya kay tita. "Hindi ko alam. Rico! Nandito na si Erin!" biglang sigaw ni Tita Kassandra kaya nahiya ako. Mabilis akong naupo sa pwesto ko at humawak agad ng bulaklak. "Oh, hi," matipid niyang bati. "H-hi," utal kong sagot na para bang biglang may bumara sa lalamunan ko. "Prescila, mabuti pa magluto tayo n

