ERIN POINT OF VIEW "Bakit mo kasi sinabi sa kanya 'yon? Kung ako si Anika, magagalit din ako sa'yo." "Teka nga, ang init," reklamo niya habang nagtatanggal na ng gloves. "Iniinit ka ba dahil diyan o dahil sa tingin ni Kassandra?" pabirong tanong ni Tita Prescila na lumalapit sa kinauupuan naming dalawa. Naupo siya sa gawi ni Tita Kassandra at tinignan ito. Mukhang biglang uminit ang ulo ni Tita Kassandra kaya hindi ko maiwasang makonsensya para kay Rico. "Tita Kassandra, pareho lang naman po silang may mali," subok kong sabi. "Alam ko. Kaya nga wala na kong masabi kay Rico," sarkastikong sagot ni Tita Kassandra habang nakatingin kay Rico nang seryoso. "Ahm, 'yung sinasabi niyo pong Amiel. Anong itsura niya?" curious kong tanong para mabago ang usapan. "Bakit pati itsura no'n, gust

