ANIKA POINT OF VIEW Masyadong marami ng tao dito kaya naman hindi na nakapag-teleport sila tita at mukhang nagkakaproblema pa sa pagpapatakbo ng sasakyang pangtao si Tito Raven. Kanina pa kami dito at nakakadalawa ng malaking ice cream ang mag-ama ko. "Mahal, may itatanong nga pala ko sa'yo." Pagbasag ko sa katahimikan namin. Abala na ngayon si Nathalie sa chocolate na binili rin sa kanya ni Rico habang siya naman ay mukhang nakikiramdam lang din sa akin. "Ano 'yon?" Nakangiti niya kong tinignan habang kandong niya si Nathalie. "Kanina, anong spell 'yung ginamit ni Tita?" "Kanina?" ulit niya na para bang nag-iisip. "Hindi ko sure. Bakit?" "Hindi mo sure o ayaw mo lang sabihin?" "Mahal, hayaan mo na. Hindi mo naman kailangang matutunan 'yon." Umalis na siya ng tingin at bumaling na

