ANIKA POINT OF VIEW "Paano mo nga akong maririnig, pa?! Eh, hindi mo naman nilalapit sa tainga mo!" Halos mabingi na kami ni Nathalie sa boses niya. "Hello? Pa? Hay, ilapit mo kasi sa tainga mo. Ilang beses na kitang tinuturuang gumamit niyan, 'di ba? Hello?!" Tinitigan niya ang screen ng cellphone niya at kunsumidong inumpog nang mahina ang ulo sa manubela. "Si Mama na lang ang tawagan mo," kanina ko pa utos na kanina niya pa rin hindi sinusunod. Muli siyang umayos at tinawagan si Tito Raven. "Hello? Ma? Hmmm, buti naman at ikaw na ma ang sumagot. Kahit ano yatang turo ko sa kanya hindi niya matutunan 'yang cellphone! Ha? Kalmado po ako. Oo naman, ma. Kalmado ko, ma," papadiin niyang sagot habang medyo sumusulyap sa amin ni Nathalie. "May problema kasi kami. Pwede niyo ba kaming punta

