Chapter 118

1585 Words

"Ang pretty mo po, mommy." Kanina pa masaya si Nathalie, nilalagyan ako ng iba't ibang klaseng cute clips. Gumawa rin siya ng maliit na kwintas gawa sa mga bulaklak at nilagay sa leeg ko. Nag-aalala pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi. Basta na lang siyang sumulpot at inaway si Erin. Oo, tama nga na nakaligtas ako pero paano kung napahamak siya? Ano na lang ang mangyayari sa akin no'n? Siguradong buong buhay kong sisisihin ang sarili ko. Tumayo siya, kumukuha ulit ng mga clip sa maliit niyang cabinet. Kulay pink 'yon na gawa ni Tito Raven para sa kanya. "Baby?" Namutla ako noong kumatok si Erin sa pintuan ng kwarto. Agad akong lumundag papunta kay Nathalie. Sumimangot ang anak ko habang binubuhat ako. Ayaw niya talaga kay Erin kahit pa, wala naman siyang alam sa nangyayari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD