C11: Proposal

1259 Words
C11: Proposal - [Courtney Indayo - Monterren] Nagising ako dahil sa mahigpit na brasong nakayakap sa'kin. Nakabaon pa ang ulo nito sa leeg ko. Babangon na sana ako nang bigla akong makaramdam ng mumunting halik sa leeg ko at humigpit pa lalo ang yakap nito sa'kin. Napalunok tuloy ako bigla. "H-hoy! Stephen! Nakikiliti ako! Stop it!" Saway ko dito na itinigil naman niya sabay tingin sa akin at halik sa noo ko, "Ang higpit naman ng yakap mo." "Good morning! Baka kasi mawala ka nanaman." Sambit nito. "..I love you so d*mn f*ck*ng much!" "Kailangan may mura talaga ang I love you mo?" "Oo. Para intense!" Sambit nito sabay kindat sa akin. Napangiti naman ako. Babangon na ako ng hilahin niya ulit ako at yakapin. "Ano ba? Wala kang balak mag almusal?" "Meron." "Eh bakit ayaw mo pang bumangon?" "Pwede bang pumili ng almusal?" "Huh? Ano naman 'yon?" "Can you be my breakfast?" "Ano?! Gusto mo matamaan?!" Nakakunot noo kong sambit. "Matagal na akong tinamaan sa'yo 'di na kailangan pang tamaan ulit!" Sambit nito. "Ewan ko sayo!" Sambit ko sa kanya saka bumangon. "Sh*t! Ang hirap pala." Bulong nito na narinig ko. "Mahirap ang alin?" "Wala. Ipagluluto kita ng almusal." Sabi na lamang nito saka lumabas ng kwarto. Naligo muna ako saka nag uniform. Nine am pasok ko ngayon eh. Seven am pa lang naman. "Hmmm. Ang bango mo." Bungad nito kasabay ng paghalik sa pisngi ko, "Try mo maligo ng bumango ka din." Biro ko. "So mabaho na ako?" " 'Di ko 'yan sinabi! Gutom lang 'yan! Kain na tayo." Patawa-tawang sambit ko. "Oo nga. Gutom na ako kanina pa. Kung pwede nga lang kainin kita eh." Pabulong na sabi nito na medyo hindi ko maintindihan 'yung dulong sinabi niya. "Ano?!" "Ikaw kasi dapat ang almusal ko eh ayaw mo nam--NEVERMIND!" Pakamot-kamot sa batok na sambit nito "Anong sabi mo?!" Pagtaas kilay ko. "W-wala. Kumain ka na. Masarap 'yan." Pag iiba nito ng topic. Pagkatapos namin kumain nagprepare na ako para pumuntang school. "Ihahatid kita. Wait lang." "Bilisan mo." Nang makarating kami sa kotse niya saka niya ako hinatidil sa school. Nang nasa parking area na kami, bababa na ako nang hawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya at 'di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa tingin niya. "B-bakit?" 'Di siya sumagot kundi bigla niyang hinawakan ang batok ko at nilapit sa kanya saka ako siniil ng halik na ikinakaba ko ng super mega duper ultra bilis! Sh*t! Dahil sa sobrang gulat, na istatwa ako and then I felt his lips moving. Hanggang sa 'di ko na napigilan ang sarili kong tugunan ang mga halik na ibinibigay niya. He's kissing me softly and passionately. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mas pinalalim ang halik. 'Di ko na namalayan na napakapit na ang mga braso ko sa leeg niya at bumaba na sa bewang ko ang parehong kamay nito na ramdam ko ang marahan na pagpisil sa bewang ko. I think It's getting hot in here! Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako sa kinauupuan ko at pinunta sa kandungan niya na 'di man lang namamalayan. "Not so fast husband. May klase pa ako." Hinihingal na sabi ko sabay kurot sa pisngi nito at balik sa upuan ko. Tumawa naman siya saka lumabas at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nito. Nang makalabas na ako, hawak na niya ang kamay ko at hinila niya ako para yakapin. "I love it when you call me husband." Bulong niya sa'kin sabay halik sa noo ko, "Sunduin kita mamaya." Sambit nito ng nakangiti ng tagumpay. "Okay. Ingat." Nakangiti sabi ko na lamang. - "Ehem! Mukhang ang saya ah." Bungad ni Petunia. "Syempre." Nangingiting sagot ko. "Good to know that. Sana magtuloy-tuloy na 'yan. So 'di mo pa ba naiisip na bumalik sa bahay niyo?" " 'Di pa naman but now I'm thinking." "Kung ako sa'yo umuwi ka na sa bahay niyo nang mabantayan mo 'yang asawa mo baka mamaya may iba na 'yang dinadala doon. Ikaw din." Tiningnan ko siya ng masama. Aba nanakot! Alam ko namang tinatakot lang ako nito pero mukhang effective ang pananakot niya dahil natatakot din ako baka nga. "Hi Petunia!" Napatingin naman kami sa nagsalita. Natawa naman ako sa reaksyon ni Petunia kay Tyson na bumati sa kanya . Mag aaway nanaman 'to for sure! Nakakatuwa 'yang dalawa kasi parang bata. "Hi mo mukha mo unggoy!" Pang aasar ni Petunia dito. "Ang taray mo nanaman! Sa gwapo kong 'to unggoy? Ang sakit ah!" "Whatever!" "Ang taray mo talaga!" Natatawang sabi ni Tyson kapatid siya ng isa naming kaibigang si Tyree. "Umalis ka na nga!" Inirapan nito si Tyson. Napailing na lang ako sa dalawa. Aso't-pusa talaga 'tong dalawa. 'Di na ako magtataka na magkatuluyan sila one day! Sabi nga nila, 'The more you hate, the more you love!' Ganyan 'ata sila. - "Ang aga mo ah!" Bungad ko sa kanya na kanina pa ako hinihintay. "Namiss kita agad eh." Sabi nito sabay kindat at ngiti ng nakakaloko. Sumakay naman ako agad ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "So saan tayo?" "Sa puso mo." "Stephen?" "Secret." "Anong secret?" "Secret nga eh!" Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa... Wait! SA BAHAY NAMIN? "Ba't nandito tayo sa bahay? dahil ba 'di mo ako mapauwi ng santong dasalan, dinadaan mo sa santong paspasan?" Pagbibiro ko. Piniringan niya ako saka ako inalalayan na 'di ko alam kung saang parte ng bahay. Pag-alis niya sa piring ko nakita kong nasa garden na kami ng bahay na mukhang pinaghandaan talaga! May mga red and white lights kasi na malilit sa paligid at may table sa gitna. "Ano namang pakulo 'to? Surprise date sa bahay ng garden natin?" Patawa-tawang sambit ko. "Hindi mo ba nagustuhan?" Malumanay na tanong nito. Linapitan ko siya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Nagustuhan. I actually love it. Thank you for doing this. Your so sweet." Sambit ko sabay halik sa pisngi nito. "I love you, Courtney." Bulong nito. Kumain kami at nagkwentuhan ng kung ano-anong nakakatuwa and I enjoyed it. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nagulat ako nang lumuhod ito sa harapan ko. "A-anong ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong. "Courtney, alam kong kasal na tayo but this time I want it for real para 'di mo na dinadahilan sa akin everytime na mag aaway tayo na sa papel lang tayo kasal. Gusto kong magpakasal ulit tayo 'yung kasalan na alam nating totoo na ang nararamdaman natin pareho.." Huminga ito ng malalim saka muling nagsalita habang ako ay kinakabahan. "...Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko at ngayon lang ako nagkaganito sa buong buhay ko. Sana tanggapin mo na ako this time dahil hindi ka napipilitan. Will you marry me again my wife?" Puno ng pagsusumamong tanong nito. "Kahit ilang beses mo pa akong pakasalan. Papayag at papayag ako dahil mahal din kita. Yes! I will marry you again, Stephen." Nakangiti kong sagot. "Pwede ka na bang bumalik dito sa bahay natin?" Tumango ako at agad siyang yinakap. " 'Wag ka na ulit humingi ng annulment sa'kin ah? dahil hinding-hindi ko 'yon kayang gawin, Courtney. Mamamatay muna ako bago mo ako mahiwalayan." "OA ah!" Sambit ko na tumatawa. Nang nalaman ng barkada ko syempre they're happy and they congratulated us. Napag-usapan namin na magpapakasal ulit kami after graduation ko na. Kasal na din naman kami kaya no need to rush. And because it's already sembreak yinaya niya akong magbakasyon kaming magkasama sa Batanes! Ohw one of my dream place in the Philippines. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD