C10: Fixing
-
[Courtney Indayo - Monterren]
Si Gian na nakakita sa aking umiiyak no'ng araw na umalis ako sa unit ko. 'Di ko alam kung bakit bigla siyang sumulpot sa condo pero pinilit niya akong samahan kung saan man ako pupunta kahit panay ang tanggi ko. Pinakalma niya pa ako at in-offer niya ang rest house nila para tirahan ko muna which is itong tinutuluyan ko ngayon.
"Pupunta na siya. Anytime darating na 'yon." Mahinang paalala nito sa akin. "..Don't worry. Nandito lang ako..." Dugtong pa nito na nakakagaan ng aking kalooban.
"Thank you." Yinakap ko ito dahil nagpapasalamat talaga akong tinulungan niya ako.
"Anything for you." Yinakap niya din ako at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko na ikinagulat ko pero 'di ko na lang ginawang big deal.
Naramdaman ko na lang ang biglang paghatak sa kanya ng kung sino. Nakita ko na lang na sinuntok na siya ni...
Stephen? Sh*t!
"G*G*! LUMUGAR KA NAMAN! ASAWA KO 'YAN KUNG 'DI MO ALAM! MAY ASAWA NA 'YONG TAO, NILALANDI MO PANG H*Y*P KA!" Galit na galit na sigaw nito saka tumingin sa akin, nilapitan niya ako at hinila.
"Bitawan mo ako, Stephen! Nasasaktan ako! Ano ba?!" Pagpupumiglas ko dito.
"Nasasaktan siya pre! Babae 'yang hinihila mo kung nakakalimutan mo!" Mahinahong sambit ni Gian ng hawakan niya ang kamay ko.
"T*NG*N*! G*G*! BITAWAN MO ANG ASAWA KO!" Sigaw ni Stephen.
"Hind! Dahil nasasaktan siya sa'yo!"
"Tama na nga, Stephen! 'Asa'n na ang hinihingi ko?" Sabi ko na lamang dito.
"THATS B*LLSH*T ANNULMENT?! ANO AKO BALIW PARA IBIGAY 'YON SA'YO?! GUSTO MO BA AKONG MAMATAY?! KAPAG PINAGBIGYAN KITA SA ANNULMENT NA 'YON PARA KO NA RING PINATAY ANG SARILI KO! ILANG BESES KO BA 'YON UULITIN SA'YO?! T*NG*N*!"
"Ayoko na, Stephen! Ba't 'di mo na lang ako bitawan ng 'di na tayo nahihirapan?!" I said with full of frustrations.
"Kung dahil 'to sa naabutan mo sa office ko! 'Di ko 'yon ginusto! O baka naman dahil 'to sa g*g*ng 'yan?!" Dinuro pa niya si Gian.
"Ang hirap mong kausap!"
"Then tell me kung bakit?! Halos mabaliw ako no'ng nawala ka tapos makikita kitang may kasamang ibang lalaki! P*t*ng*n*!"
"Gian, ian mo muna kami."
"Per--"
"Ok lang ako." Mahinang sambit ko.
"Courtney..."
Binalingan ko siya ng seryoso.
"Anong namamagitan sainyo ng babaeng 'yon? Hindi naman 'yon kakandong sa'yo kung 'di mo siya kilala 'diba? Sinong niloko mo?"
"Inaamin ko, I had a one night stand with her no'ng nasa ibang bansa ako pero lasing ako noon 'di ko nga malalaman na may nangyari na pala sa amin kung 'di pa sa'kin sinabi ng mga naging kaibigan ko at may kaunti din naman akong naalala. Pero 'di ko naman alam na pupuntahan niya ako dito. Ikaw lang ang mahal ko, Courtney." Sambit nito saka, humawak sa magkabilang pisngi ko. "Please. 'Wag ka ng magalit. 'Di ko na kaya. Mamamatay ako kapag nawala ka."
"Ang sakit eh! Mas masakit pa lang malaman. Well, 'di naman kita masisisi because you're a guy, you have your needs an--"
"No. Hindi ko 'yon kailangan. Ikaw ang kailangan ko. Please paniwalaan mo naman ako..." Nagmamakaawang sambit nito.
"Talaga? Hindi mo 'yon kailangan? As far as I know 'yon ang pinakakailangan ng mga lalaki lalo na sa asawa nil--"
"Well, Im different. Kahit nasa tabi lang kita at kasama, ok na ako." Nahihirapang dahilan nito.
"Sabi mo 'yan ah?"
"So, ok na tayo? Uuwi ka na sa atin?" Malambing na tanong nito.
"Uuwi na ako sa unit ko."
"Thank you Lord!" Sambit nito kasabay ng pagyakap niya sa akin at paghalik sa pisngi ko. "..Papatunayan ko sa'yong totoo lahat ng sinasabi ko."
"Pano 'yung malandi sa office m--"
"Wala akong pakialam sa kanya . Sa'yo lang ako may pakialam. I love you so much, Mrs. Courtney Indayo-Monterren! Babawi ako. Hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko noon."
"Sandali. Kakausapin ko muna si Gian." Bigla kong sambit.
"WHAT?! What for?!"
"Magpapasalamat lang ako sa tao, pinatuloy niya ako dito."
Aangal pa sana pero tiningnan ko ng masama.
Pinuntahan ko si Gian at nagpasalamat.
"Basta kapag kailangan mo ng kung anong tulong nandito lang ako. Nasaan na 'yung g*g*ng mahal mo na g*g* ang tawag sa'kin?"
"Stop it!"
"Ano? Totoo naman ah? Ba't 'di mo pa kasi aminin!"
"Ayoko."
"Ok. Tara! Punatahan na natin siya."
Binalikan namin si Stephen na kumunot ang noo ng makitang nakaakbay sa akin si Gian kaya inalis ko kaagad ito.
"G*g*! 'Wag mo nga hinahawakan ang asawa ko!" Salubong sa amin ni Stephen ng makalapit kami kasabay ng paghapit niya sa bewang ko.
"Oo na! Sa'yong-sa'yo na 'yan! Masyado kang seloso pre! Alagaan mo 'yang asawa mo dahil kapag nalaman kong sinaktan mo ulit 'yan 'di ako magdadalawang isip na kunin siya sa'yo!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Gian sakanya. Akala ko talaga loko-loko lang ang pantitrip nito sa'kin eh. May gusto pala talaga siya sa'kin.
"Mamamatay muna ako bago siya mapunta sayo. 'Di naman ako papayag anyway, thanks for taking care of MY WIFE. I owe you kahit papano."
"Wala 'yon! Malakas sa akin ang asawa mo eh." Alam na ni Gian ang lahat.
Naikwento ko sa kanya.
Hinatid ako ni Stephen sa unit ko at ayaw niya pang umalis dahil baka daw pagbalik niya bukas nawawala nanaman ako.
"Ano ba?! Umuwi ka na, Stephen!"
"Pwede ba wife! Kahit ngayon lang ako mag over night? Babantayan lang kita sa pagtulog. Wala naman akong gagawin na ikagagalit mo eh." Pangungulit nito.
"Wala ka bang pasok bukas?"
"Ilang araw na akong 'di pumapasok sa trabaho lubusin ko na hanggang bukas. Don't worry tayo ang may-ari kaya walang kaso." Pagbibiro nito.
"Baliw! Wala kang pampalit dito."
"Sinong may sabing kailangan kong magpalit? Joke lang. May dala ako sa bag."
"Boys scout ah! Laging handa!"
"Syempre! Matagal na 'yon sa bag ko sa araw-araw ko kasing pagpipilit na matulog dito nagbabakasakaling pumayag ka." Patawa-tawang sambit nito.
"Tss."
"So can I use the bathroom now?"
"Sige na. Magluluto lang muna ako."
"Ok."
Nagluto naman na ako ng dinner namin. Saka ko hinanda ang hapagkainan ng lumabas siyang nakatopless. Sh*t!
"Hoy! Mag damit ka nga! Kakain na!"
"Paano kung sabihin kong wala akong pang itaas na dala?" Nakangising sambit nito.
"Seriously? 'di kita dito papaovernight!"
"Joke lang 'yon syempre. Magdadamit na po, Misis."
Nagsando naman siya kaagad. After namin kumain, siya ang naghugas, ako naman naligo.
-