C9: Troubled
-
[Courtney Indayo - Monterren]
" 'Yung sundo mo nasa may gate na, Courtney!" Biglang sabi ng isa kong kaklase.
"Huh? Ang aga naman! Una na ako, Petunia. Pki sabi na lang sa kanila." Dali-dali akong lumabas ng biglang may humarang sa akin, "Gian? bakit? May kailangan ka ba? Nagmamadali kasi ako." Mabilis na sabi ko kasabay ng paglalakad habang siya sinasabayan ang bilis ng lakad ko.
"I just want to ask kung pwede ba ulit kitang makasamang lumabas?" Nakangiting tanong nito hanggang sa malapit na kami sa gate.
"Huh?"
"Parang katulad lang kagabi."
"Ano kasi... H--"
"Excuse me?" Napalingon kami kay Stephen na nasa harapan na pala namin, "Let's go?" Seryosong sabi nito.
"Pasensya na Gian." Nahihiyang sabi ko dito.
"It's okay." Sabi na lamang ni Gian.
Nang makapasok na kami ni Stephen sa sasakyan niya napansin ko ang pagiging tahimik nito kaya 'di ko na lang din pinansin baka pagod lang sa work.
Hanggang sa makarating kami sa mall tahimik siya.
"Stephen!"
"Hmm?"
"Ba't ang tahimik mo?" Pagtataka ko.
"Wala."
"Wala talaga?"
"Oo."
"Walang dahilan kung ba't tahimik ka?"
"Oo nga!" Sambi nito saka yumakap sa akin.
"Nakakailang chansing ka na ah!" Biro ko. "..Saan tayo? Anong gagawin natin dito sa mall? Ililibre mo ba ako?" Patawa-tawang sabi ko.
"Oo, ililibre kita sa puso ko ng mahalin mo na ulit ako..." Madamdaming sabi nito.
"Ang corny mo!" Natatawang sabi ko sabay pisil sa ilong nito.
"Timezone na nga tayo!" Sabi nito saka ako hinila.
Naglaro lang kami doon ng kung ano-ano! Kapag talo ako ikikiss ko daw siya kapag talo siya ikikiss niya daw ako! Kalokohan ng lokong 'to! Pabor sa kanya pareho! Kung 'di ko lang 'to mahal eh! Ayoko lang sabihin sa kanya baka kasi lumaki ang ulo.
"Gutom na ako." Mahinang sabi ko.
"Oh kain na tayo."
Kinuha niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng timezone. Kumain kami saka niya ako hinatid sa unit ko.
"Ingat ka pauwi." Pagpapaalam ko dito.
Nakangiti itong tumango sa akin.
-
Lumipas ang ilang buwan at naging busy na ako sa school dahil malapit na ang finals namin. Lagi parin naman niya ako hinahatid-sundo pero minsanan as in minsan na lang kami nakakapagdate dahil sa tuwing magyayaya siya saktong marami pa akong dapat gawin at tapusin. Gusto niya naman akong tulungan kaso alam ko namang marami din siyang ginagawa kaya tinatanggihan ko.
'Yung parents niya naman dinadalaw din ako minsan at kung minsan kami ang dumadalaw sa kanila more on kwentuhan lang naman. Ganun din sa parents ko sa cemetery dinadalaw din namin nagdadala kami ng bulalak at kandila.
Nakatutok ako sa computer ng mag ring ang phone ko sinagot ko ito ng di tinitingnan kung sino ang tumatawag dahil nagtatype ako.
"Hello?"
"Wife?"
"Stephen? bakit?"
"I miss you."
"Baliw! Kahahatid mo lang sa'kin one hour ago."
"No. I mean, miss na kitang makasama ng matagal. Umuwi ka na kasi dito sa bahay. Ang lungkot ng bahay natin ng wala ka."
"Bakit? Clown ba ako para sumaya ang bahay natin kapag nandyan ako?"
"Di naman. Bumalik ka na kasi dito. Ayokong magkalayo tayo." Naglalambing na sambit nito.
"Bukas na lang tayo mag usap. Nagtatype ako ng essay eh."
"Ok. I love you."
-
Dahil free time ko naisipan kong surpresahin sa office niya si Stephen.
Pinagluto ko siya ng Lunch. Kinausap ko ang secretary niya na alam kung sino ako.
"Ma'am. May kausap pa po kasi si Sir."
"Sinong kausap niya?"
"Monic po 'yung pangalan eh bigla-bigla lang nga pong pumasok, nalaman ko lang na Monic 'yung pangalan dahil narinig kong sumigaw si Sir. Mukhang galit. Baka nga po mapagalitan pa ako. Pero nawala ang kaba ko nang wala na akong marinig na sigaw sa loob." Kwento ng secretary ni Stephen.
"Talaga? Kanina pa ba siya sa loob? I mean sila?" 'Di ko alam pero kinabahan ako bigla sa mga nalaman ko.
"Opo. Mag iisang oras na po."
"Aah. Ok." Naglakad na ako papalapit sa pintuan nang muling magsalita itong secretary niya.
"Ma'am? Papasok na po kayo?"
"Oo. 'Di naman siguro ako makakaistorbo kung ibibigay ko lang 'tong dala ko sa kanya habang nag-uusap sila o kung ano man ang ginagawa nila 'diba?"
"Aah. Opo naman p-po."
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto and I was shocked sa nakita ko. Dahil nakakandong sa kanya't nakapulupot pa ang kamay ng malanding babae sa leeg niya. Sh*t Mukhang nagulat naman ang mukha nila pareho dahil napatayo sila bigla.
"Courtney!"
Nagpanggap akong okay lang.
"Sorry sa istorbo, pumunta lang ako dito para ihatid 'to." Sabi ko saka inilapag sa mesa niya ang lunch box at saka ako tumalikod para umalis na nang pigilan niya ako, "Ohw! just continue what your doing, I don't mindi it anyway." Sabi ko pa saka inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Babe, who is she?" Rinig kong tanong no'ng malandi.
Dumiretso ako kaagad sa kotse ko at doon ko pinabayaang lumabas ang mga luha ko. Ang sakit pala. Mas masakit 'ata 'to kaysa sa pag iwan niya sa akin, ang makitang may kasama siyang iba at nakakandong pa! P*t*ng*n*! G*g* talaga!
-
[Stephen Monterren]
Nagulat ako nang biglang may pumasok sa office ko at nang makita ko mas nagulat ako dahil si Monic!
Ang babaeng naka-one night stand ko no'ng nasa ibang bansa pa ako. Don't get me wrong lasing ako noon 'di ko na alam kung bakit ko 'yon nagawa at pinagsisihan ko na 'yon! She's a half filipina and half american.
Ever since na may nangyari sa amin ay nagpi-feeling na siyang girlfriend ko siya.
"WHAT THE F*CK*NG HELL ARE YOU DOING HERE MONIC?!"
"Babe, I'm just visiting you. Don't you missed me?" Malumanay na sabi nito saka lumapit sa akin.
"GET OUT! NOW!"
"No! We have to talk."
"Just leave me alone!"
"No. I love you, Stephen." Sambit nito saby lapit sa akin kaya napaatras ako't napaupo na siya namang pag-upo niya sa kandungan ko. Sh*t!
"Monic! What are you doing?!" Saway ko sabay tulak sa kanya pero pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko. Habang tinutulak ko siya mas lalo naman niya akong yinayakap hanggang sa napatayo kami pareho dahil sa pagdating ni Courtney! D*mn! Hindi ko alam na pupunta siya.
"Courtney!"
"Sorry sa istorbo pumunta lang ako dito para ihatid to." Sambit niya sabay lapag sa mesa ko ng lunch box at tumalikod nang pigilan ko siya. "...Ohw! just continue what your doing I don't mind." Inalis niya ang pagkakahawak ko saka lumabas ng opisina ko.
'Di ako nakapagsalita dahil sa kaba at takot na galit siya.
"Babe, who is she?" Natauhan ako sa biglang pagsalita ni Monic.
"D*MN *T! SHE'S MY WIFE! SO PLEASE! LEAVE!"
"B-but bab--"
"I SAID! LEAVE!" Umalis naman ito kaagad at siya naman ang paglabas ko.
"Cancel all my appointments today." Sabi ko sa secretary ko.
Kailangan kong puntahan ang asawa ko!
"Y-yes, Sir!" Sambit naman nito saka ako umalis.
Dumiretso ako sa school niya pero nang tanungin ko kung nakabalik na ba si Courtney kay Petunia wala pa daw. T*ng*n*!
Pumunta naman ako sa unit niya pero wala siya. Pinuntahan ko sila Dad sa bahay pero 'di naman daw pumunta si Courtney. Sh*t!
-
[Petunia Villalim]
"Courtney! Goodness!" Bungad ko sa tumawag. Nang makita kong si Courtney ang tumatawag agad ko ng sinagot nababaliw na kami kakahanap sa kanya after naming malaman kay Stephen na wala siya sa unit niya at sa kung saang lugar na hinahanapan ni Stephen.
"Petunia..."
"Wait? Umiiyak ka? Sa'n ka ba? Pupuntahan ka namin." Agad na sabi ko.
"No. Kaya ko 'to. Gusto kong mapag-isa."
"Hindi mo 'yan kailangang solohin. Court, nandito ang buong barkada para sa'yo lalo na ako."
"I know. But I need time to think." Mahinng sabi nito.
"Ok. Pero anytime you want nandito kami makikinig sa'yo. Nababaliw na 'yung asawa mo kakahanap sa'yo. Ano bang nangyari?"
Ikwenento niya naman kaagad sa akin. Nagulat ako sa nalaman ko pero syempre I don't have the rights to judge what happened.
"Kinausap mo naman muna ba? Nakinig ka sa explanation? O pinag-explain mo muna ba?"
"Hindi. Hindi naman na kailangan 'diba? Sapat na ang nakita ko."
"Well sa kwento mo. I think oo. Pero sa tingin ko sa kanya kanina? Habang baliw na baliw na kakahanap sa'yo kung saan mukhang kailangan mong pakinggan siya."
"Ang sakit kasi eh."
"Sssh. Don't cry na. Oo masakit lalo na kung 'di mo alam at 'di ka sigurado kung ano ang nakita mo. Subukan mo siyang pakinggan kung kaya mo na. Mukhang seryoso naman ang asawa mo sa paghahanap sa'yo dahil kung Hindi, edi sana 'di ka na no'n hinahanap pati kami binulabog ng loko mahanap ka lang. Napagbintangan pa akong tinago kita." Kwento ko.
"Ok."
"Ingat ka diyan kung nasaan ka man." Sabi ko na lamang saka napabuntong hininga.
-
[Stephen Monterren]
"What happened son? Saan siya pumunta?" My Dad asked.
"I don't know but I'm already doing my best to find her!"
"Ayusin mo 'yan ijo." Sabi naman ni Mom.
"Yes, Mom."
Dito ako natulog sa bahay ng parents ko dahil baka ano mang oras mapatay ko na ang sarili ko kung wala akong kasama. T*ng*n*! Two days na siyang nawawala! I keep on calling her pero 'di niya sinasagot.
Biglang nagring ang phone ko at nang makita kong si Courtney iyon ay agad ko itong sinagot.
"Thank you Lord! Tumawag ka din. Where are you wife? Pupuntahan kita. I'll explain everything..."
"I hate you for hurting me not just once but twice. First when you left me then this when you came back. Napapaisip na tuloy ako ng susunod na pwedeng mangyari!"
D*mn! Mga salita pa lang niya sobra na akong nasasaktan.
"I'm sorry..." All I could say right now.
"Sorry? Ilang beses ko na ba 'yan narinig sa'yo, Stephen? Tama na! Let's end this Stephen. Ayoko na!"
"WHAT?! Nasaan ka ba? Kailangan nating mag-usap ng personal. 'Wag ganito!"
"Ok. Siguraduhin mo pagpunta mo dito dala mo na ang annulment papers na matagal ko ng hinihingi! I'll just text to you the address."
"N--"
Sh*t! Pinatayan ako. Hindi madali ang hinihingi niya at kahit madali pa iyon. Hinding-hindi ko ibibigay. Magkamatayan na!
-