C8: Bad Shot
-
[Courtney Indayo-Monterren]
"Courtney! Courtney! Wait!"
Napalingon naman ako sa tumatawag.
"Gian? Bakit?" Kunot noong tanong ko.
"Wala naman. Pauwi ka na?" Nakangiting sagot nito.
"Oo."
"Late 'ata uwi mo ngayon?" Tanong niya habang naglalakad kami patungong parking area.
"Oo nga eh. May inayos pa kasi ako."
"Aah. Ooh! Ba't 'di mo 'ata dala kotse mo? Coding? Hatid na kita!"
" 'Wag na."
"Bakit? May maghahatid na ba sa'yo?" Malungkot na tanong nito
"Gian..."
"Ngayon lang ooh. Pagbigyan mo naman akong ihatid ka." Sabi nito sabay hawak sa kamay ko na ikinabigla ko.
"K--"
"Wife! Kanina pa kita hinihintay. Nandito ka lang pala." Mas nagulat ako kay Stephen, 'di sa pagsulpot niya kundi sa pagtawag niya ng wife. Kaya tiningnan ko ito ng masama pero 'di natinag, "...Tara na, Mrs. Monterren." Madiing sabi pa nito saka hinapit ako sa bewang.
Gulat naman ang mukha ni Gian nang iwan namin. Pumasok ako ng kotse ni Stephen nang 'di nagsasalita. Hanggang sa umandar na kahit anong tawag niya 'di ko siya nililingon, tinitingnan o kinakausap man lang. Bahala siya.
"Courtney..."
"Court...ney..."
"Courtney."
"Kausapin mo naman ako. Sorry na ooh."
"Courtney naman ooh. Please." Hinawakan pa ang kamay ko na inalis ko naman agad.
"Sorry na. Nadala lang ako."
Hanggang sa makarating kami sa unit ko, 'di ko ito kinikibo. Nang akmang isasara ko na pinigilan niya ang pinto.
"P*t*ng*n*ng g*g*ng 'yon na humawak sa kamay mo! Mapapatay ko 'yon pag 'di mo pa ako kinausap! Nakakaloko na!" Inis na sambit nito.
Napayuko naman ako saka napabuntong hininga.
"Umuwi ka na." Mahinang sambit ko.
" 'Di ako uuwi." Pagmamatigas nito na seryosong nakatingin sa akin nang mag angat ako ng tingin.
"Ba't ka ba nagkakaganyan?!"
"Dahil mahal kita! Ayokong may ibang lalaking umaaligid sa'yo lalo na kapag may humahawak sa kamay mo! d*mn *t! Sino bang matinong asawa ang matutuwa no'n?"
"Nagseselos ka ba?!"
"T*ng*n*! Kailangan ko pa bang sagutin 'yan, Courtney?!"
" 'Wag na. Umuwi ka na." Isasara ko na talaga ang pinto nang pigilan niya ulit.
"Sh*t! Oo na! Nagseselos na!" Tiningnan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "..Eh ba't parang galit ka pa rin?"
"You called me wife kanina, Stephen." Paalala ko.
"Kasi nga nagselos ako! Sorry na." Sagot nito.
" 'Wag mo na 'yon uulitin."
"Ang alin? Ang magselos ako? Sh*t! Ang hirap kaya!"
"Baliw! Ang tawagin akong wife!"
"Oo na! Nakakag*g* kasi 'yung lalaking 'yon! Sino ba 'yon?"
"Si Gian."
"Nanliligaw ba 'yon sa'yo? Matagal ko na 'yon napapansing umaaligid sa'yo eh. Kaya nga napaaga ang paguwi ko! T*ng*n*!"
"Huh?"
"Wala. Magpahinga ka na. Susunduin na lang kita bukas. I love you." Sabi nito kasabay ng paghalik nito sa noo ko.
Napailing na lamang ako dito saka nagpipigil ng ngiting pumasok sa unit ko.
-
Lumipas ang ilang linggong hatidi-sundo niya ako at parating nauuna akong umuwi sa barkada na sabi naman nila naiintindihan nila.
Nag-di-date din naman kami ni Stephen. Maayos naman at nag eenjoy din naman ako. Actually, may date nanaman nga kami ngayon.
"Una na ako Court ah? Ang tagal naman ng sundo mo! Ingat kayo. Enjoy sa date." Pagpapaalam ni Petunia.
"Aah. Ingat ka din." Sabi ko naman nang nakangiti.
Ang tagal nga ni Stephen ngayon. Matawagan na nga 'tong mokong! Ayoko pa naman ang pinaghihintay. Ang tagal na niya akong pinaghinatay.
Paulit-ulit ko siyang tinawagan pero walang nangyari! Tinext ko na lang. Ano kayang nangyari? Nag-aalala na ako.
"Courtney!"
"Ooh! Gian! Nandito ka pa? Kanina pa uwian ah?" Pagtatakang tanong ko dito.
" 'Diba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? Anong ginagawa ng isang magandang dilag dito? Kanina pa ang uwian niyo ah."
"May hinihintay ako eh."
"Aah. 'Yung sundo mo? Gusto mo sumabay ka na lang sa akin."
" 'Wag na. May pupuntahan pa kasi kami." Dahilan ko dito.
"Ok. Sabi mo eh." Sabi na lamang nito.
Ang tagal ah! Two hours na akong naghihintay dito! Nakakairita na! Five minutes na lang talaga aalis na ako!
Mag-aabang na nga ako ng taxi!
"Courtney!"
"Gian? Akala ko ba um--"
"Umuwi na ako? 'di pa. Actually, hinihintay kita. Pasok na. Mahirap pag-commute-tin ang isang magandang dilag lalo na sa gabi."
"Ok lang ba? Sorry."
"Of course. Ikaw pa ba?" Patawa-tawang sabi nito.
"Thank you."
Bago kami umuwi yinaya muna niya ako kumain kaya pumayag na din ako dahil nagutom ako kakahintay sa wala. 'Di man lang tumawag o nagtext!
Nang matapos kaming kumain, hinatid na niya ako sa condo hanggang sa unit ko.
"Thank you for the dinner and for accompanying me." Nakangiting sabi ko kay Gian.
"No problem! Malakas ka sa'kin eh!" Natatawang sabi naman nito.
"Bye. Ingat."
Pagkapasok ko ng unito bigla kong naalala si Stephen. 'Di ko maiwasang mag-aala pa lalo kahit naiinis ako dahil 'di siya sumipot sa usapan.
Bigla kong narinig ang phone ko na nagriring nang makita kong siya ang tumatawag 'di ko na pinansin. Kaninang tumatawag ako walang sagot. So I therefore conclude na nasa mabuti siyang kalagayan ngayon kaya dapat 'di na ako mag-alala.
Matutulog na lang ako. Maya-maya narinig ko ang doorbell ko tiningnan ko muna kung sino.
Si Stephen.
Bahala nga siya! At dahil ayaw niyang magpapigil kakadoorbell napilitan na akong pagbuksan.
"S--"
"Umuwi ka na. Pagod ako at alam kong pagod ka din. Matutulog na ako." Walang ganang sabi ko.
"Per--"
"Bukas na tayo mag-usap. Pwede?"
Nang sasarhan ko na pinigilan niya. Here we go again!
"Galit ka eh!"
"Sino bang hindi magagalit na paghintayin ka ng mahigit na tatlong oras para sa wala? Ni call o text wala akong natanggap! Pinaghintay mo na nga ako ng ilang taon hanggang ngayon ba naman? Stephen? Nakakasawa na!" Naiinis na sambit ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "..Bitiwan mo ako! Alam mo bang 'di mo lang ako ginalit? Pinag-alala mo pa ako! Bitiwan mo ako!"
"Courtney..." Tawag nito at hinila ako para mayakap na 'di ko tinugunan. "...May emergency meeting ako kanina..." Pagpapaliwanag nito.
"Ba't 'di ka man lang tumawag o nagtext?" Mahinang tanong ko habang yakap pa rin niya ako.
"Nalowbat ako. Sorry na..."
"Edi sana nakitawag ka o nakitext. Alam mo namang may nahhihintay sa'yo!"
"Nawala na sa isip ko dahil sa emergency meeting kanina."
"So nawala ako sa isip mo?" 'Di makapaniwalang tanong ko.
'Di pa rin niya ako binibitawan sa pagkakayakap.
"No. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Mahal na mahal kita para mawala sa isip ko lalo na sa puso ko..." Nahihirapang sagot nito.
"Umuwi ka na." Walang ganang sabi ko.
"Ayoko! 'Di ako uuwi hangga't galit ka sa akin. 'Di nanaman ako niyan makakatulog eh!"
Nagpupumiglas ako sa pagkakayakap niya pero hinigpitan niya lang at naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko ng paulit-ulit.
"Stop it! Bitiwan mo ako bago ko pa maisipang hingin ang annu--"
"T*ng*n*! Don't you dare say that again!" Biglang sigaw nito kaya nagulat ako, "S-sorry. Ayoko lang talagang naririnig ang tungkol sa annulment. Mahal na mahal kita. Hinding-hindi ko 'yon magagawa. Courtney, kahit anong mangyari I will never let you go." Madamdaming sabi nito sabay hawak sa magkabilang pisngi ko at halik sa noo ko, "Sige! Uuwi ako 'di dahil sumuko na ako sa'yo kundi dahil gusto kong kumalma ka muna. Sana maramdaman mo naman na seryoso ang sorry ko. I'll see you tomorrow. Babawi ako." Pagod na sabi nito.
Huminga ako ng malalim saka pumasok sa unit ko.
-