C7: Chance

1378 Words
C7: Chance - [Courtney Indayo - Monterren] "Tita, sorry po talaga. Hindi ko pa po siya kayang patawarin sa ngayon. Masyado po akong na-trauma nang iwan niya ako. Who knows na baka iwan niya ulit ako kung kailan nakabangon na ako." Nandito nanaman kasi ang parents ni Stephen. Nakikiusap at siguro nagbabakasakaling pagbibigyan ko ang gusto nila. "I understand ija. Kung may kailangan ka don't hesitate na tawagan kami. Pamilya mo pa rin kami." May pilit na ngiting sabi nito. "Salamat po." Sabi ko na lamang. "Just please kung handa ka ng bigyan ng chance ang anak namin let us know. Mahal na mahal ka ng anak namin." Sabi naman ng ama ni Stephen na bibihira lang magsalita ng ganito lalo na ang magsabi ng ganito sa akin. Pagkaalis ng parents ni Stephen saka naman may sunod-sunod na nag doorbell. Inaantok na ako. Puro na lang bisita na hindi ko inaasahan. Sinilip ko muna sa peephole kung sino at ang nakita ko ay ang walang hiyang si Stephen. Anong ginagawa niya dito?! Sinabihan ba siya ng magulang niya?! Paulit-ulit na siya sa doorbell ko, parang pinaglalaruan. "Mrs. Monterren! Open this f*ck*ng door! Alam kong naririnig mo ako!" Ano bang kailangan niya parang iba 'ata ang tunog ng boses niya, "Open this f*ck*ng door or else magwawala ako dito! Courtney!" Ano siya bata?! "Excuse me, Sir. Nakakabulabog na po kayo." Nagulat naman ako sa boses ng guard. "Gusto ko lang makausap ang asawa ko. Please leave me alone!" "Sir, pasensya na po, kailangan po namin kayong ilabas marami na po kayong naiistorbo dito." Pakiusap ng guard. "No! Hindi ako aalis dito hangga't di ko nakakausap ang asawa ko!" Madiing saad nito. At dahil nasilip kong hinawakan na siya sa braso at pilit na hinihila na pilit din niyang inaalis napagdesisyunan ko ng labasin ng wala ng g**o. Madaamay din naman ako. "I'm sorry. Ako na ang bahala sa kanya ." Pagkasabi ko ay agad niya akong yinakap habang ang guard ay mukhang nagulat. "S-sige po ma'am." Umalis naman kaagad ang mga guardya. Inalis ko naman kaagad ang pagkakayakap sa'kin ni Stephen. Kaya naman pala ang lakas ng loob dahil mukhang nakainom. Inalalayan ko siya papuntang sofa at ibinagsak doon. "Anong pumasok sa kokote mo at nambubulabog ka? Ba't 'di ka doon sa inyo mambulabog? Maglalasing-lasing 'di naman kaya!" Inis na sambit ko dito. "Ikaw lang naman ang pumapasok sa kokote ko, wala ng iba kaya nga ako nandito." Medyo matinong sagot nito sa akin. Mukhang 'di naman 'to masyadong lasing. "Umayos ka nga! Kung 'di lang ako sayo naawa kanina. Bahala ka nga diyan!" Sambit ko saka ito tinalikuran at lumakad papunta sa kwarto ko nang maramdaman kong yinakap niya ako mula sa likuran. Sh*t! "Mahal na mahal kita. Please come back to me, Courtney..." Halos pabulong na lang na sambit nito sa'kin habang nakayakap. Samantalang ako ay nakapikit at pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. "Then prove that you love me by s--" Naputol ang pagsasalita ko't nagulat nang bigla niya akong iniharap sa kanya at siilin ng nakakapanghinang halik. He kissed me hungrily na para bang kinakain na niya ang mga labi ko. Sh*t! Hindi ko siya magawang itulak dahil nanghihina ako. Natutunaw ako sa bawat hagod ng mga labi niya sa mga labi ko at bawat haplos ng mga kamay niya sa batok ko at katawan ko. Natauhan lang ako nang bigla niyang marahang kagatin ang ibabang labi ko kaya naitulak ko siya at nang akmang lalapit nanaman ang mukha niya sa akin ay agad ko siyang pinigilan gamit ang aking mga kamay, itinukod ko ito sa dib-dib niya. "What?!" Biglang tanong nito na mukhang natutuwa pa. "Why did you do that?!" Tanong ko nang makabawi ako ng hangin. "Do what?" Nangingiting tanong nito. " 'Wag mo akong pinaglololoko, Stephen! Why did you kissed me?!" "To prove that I love you! Sabi mo prove it t--aray! Stop it!" Pinaghahampas ko ito sa braso sa inis ko. "Lasing ka pala sa lagay na yan noh?! 'di mo kasi ako pinatapos! Kainis 'to!" "Eh ano bang gusto mong gawin ko?! Baka mamaya kapag pinatapos nanaman kita 'yang t*ng*n*ng annulment na 'yan ang sabihin mo!" Inis na sagot nito na mukhang nawala ang pagkakalasing. 'Yung totoo? Lasing ba talaga 'to? Amoy alak siya kasi kaya akala ko lasing talaga siya. "So ayaw mo talagang marinig? Ikaw din. Papapasukin ba kita dito at maaawa ba ako sa'yo sa labas kung itutuloy ko pa 'yang annulment? G*g*! Bahala ka!" "Fine! Fine! Ano ba 'yon?" Napabuntong hininga nitong tanong. "I'm giving you the chance to prove your love by starting over again." "Ano?! Paanong starting over again?" "Ligawan mo muna ako, TAKE IT or LEAVE IT!" Nakangising sabi ko. "..Ok lang naman kung ayaw mo itutuloy ko na lang 'yung annu--" Minsan kailangan natin magpa-hard to get para makita natin kung gaano kaseryoso ang isang tao sa atin o pinaglalaruan lang ba tayo. "Sh*t! Fine. I'll take it!" He said, full of frustration. "Ngayon sabihin mo sa akin ang totoo, lasing ka ba talaga o hindi?" Mataray na tanong ko. "Oo na hindi!" "Huh?" "Oo kanina nang pumunta ako dito pero nang hampas-hampasin mo ako nang hinalikan kita mukhang nawala ang pagkalasing ko!" Nangingiting sagot nito. "Baliw! Sino niloko mo?" "I'm telling the truth!" "Umuwi ka na nga!" "Dito na lang ako makikitulog. Nahihilo na kasi ako. Kapag naakasidente ako at namatay dahil sa pagdadrive ng nahihilo mabubyuda ka agad." Natatawang sambit nito. Aba! Kinonsensya pa ko ng mokong! Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang makitulog. - Pag gising ko nagulat ako nang mabungaran ko siyang nagluluto. "Ang aga mo namang nagising." Bungad ko sa kanya sa kusina. "Good morning, wife!" "Ganda ng gising ah!" "Syempre ikaw ba naman makita ang taong mahal mo 'di ba gaganda?" Natatawang sagot nito. "Pinagtitripan mo nanaman ako. Gutom lang 'yan." Kukuha na sana ako ng plato pero pinigilan niya ako. Ganoon din no'ng nagtangka akong kumuha ng tubig sa ref, kutsara at tinidor! Pati nga kape ko! "Gagawin mo ba akong paralisado dahil 'di mo 'ko pinapagalaw?" "Hindi naman. Ayaw lang kitang mapagod." "Bahay ko kaya 'to. Nakitulog ka lang parang bahay mo na ah!" "Nandito kasi sa bahay na 'to ang buhay ko." Nangingiting sagot nito saka kumindat. "Kumain ka na nga lang!" Sambit ko na natatawa. "Yiee. Kinikilig na ya--Aray!" 'Di ko siya pinatapos dahil hinampas ko na agad. "Ang feeling mo ah!" "But seriously, gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin, Misis. Miss na miss na kita. Maliban sa annulment syempre. Pinatay ko na rin ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon." Sabi nito nang nakatingin sa'kin kaya umiwas ako ng tingin at kumain na lamang. Nang matapos kaming kumain. Pinauwi ko na kaagad siya kahit ayaw pa nga niya. Ano 'yon? Tatambay siya dito hangga't nandito ako? Pinipilit pa nga akong umuwi sa bahay namin eh. Ayoko nga, kaaayos pa lang nga namin tyaka 'di pa niya naiipon ang tiwala ko ulit. Pinaghihirap ang tiwala. - "Really? That's a good news!" Komento ni Tyree nang malaman nito ang naging desisyon ko. Siya kasi 'yung kasama ko ngayon kaya siya ang una kong nasabihan. Siya kasi talaga pinakamaaga sa amin eh nakita ko siya sa room nila kaya nilapitan ko na. Maaga talaga siya lagi dahil nakikipagkita pa siya kay Jujie. Ang secret boyfriend niya. Secret din kasi ang relationship nila. "So how's Jujie and you?" Pabulong kong tanong. "We're fine. You know naman talaga ang problem namin from the start 'diba? Gano'n pa rin. Ang hirap nga eh." Sabi nito na may pilit na ngiti sa mga labi. "It's ok. Everything will be fine, Tyree. The good side is pareho kayong swerte to have each other kahit nahihirapan kayo sa sitwasyon niyo ngayon." Sabi ko na lamang. "Yeah and I thank God for that." "Una na ako ah? 5 minutes before class ko na eh." Pagpapaalam ko dito. "Ok. See you later!" Nakangiting sabi naman nito. - Uwian na nang maabutan nanaman namin sa parking area ang loko! Nakangiting tagumpay pa! "Hi wife!" Agad na bati nito. "Sssh! May makarinig sa'yo!" Kunot noong sabi ko. "Hindi pa ba natin ipapaalam?" He said with no hesitations. "Bakit? Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko?" "Hindi pa p--" "Then stop calling me wife lalo na dito sa school." "O-ok. Hatid na kita..." "No need. I have my car." "Next time 'wag ka na magdadala. Ihahatid sundo na lang kita." "Una na kami, Court! Stephen!" Paalam ng mga kaibigan ko saka ako tumango sa kanila. "Sigurado ka?" Tanong ko kay Stephen. "Oo naman." Agad na sagot nito. "How about your work?" "I can handle it. Don't worry." "Ikaw bahala." Nang makarating na ako sa condo sumunod naman siya papunta sa unit ko. Ihahatid niya daw kasi ako. "Ooh. Uwi ka na! Bye!" Sabi ko sa may pinto. "Ang bilis mo naman ako pauwiin." Sabi nito na may pagkakamot pa sa batok. "Malamang! Nahatid mo na ako 'diba? Kaya uwi na!" "Walang goodbye kiss?" Nakangising sambit nito. "Wala!" "Wala talaga?" Pagbabakasakali pa nito. "Oo." "Fine! See you tomorrow, wife." Okay naman na tawagin niya akong wife eh kami lang naman dito kaya 'di ko na pinansin. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD