C6: Hardships

1933 Words
C6: Hardships - [Courtney Indayo - Monterren] Hindi ko inaasahang matutunton ako ng parents ni Stephen sa condo ko. Paano kaya nila nalamang nandito ako? Pagkabukas ko ng pinto, agad akong yinakap ng ina ni Stephen. "P-pasok po kayo." Pumasok sila at naupo. Binigyan ko muna sila ng juice bago ako umupo. "How are you ija? Pasensya na at biglaan ang pagpunta namin dito at alam naman namin that you're still not in good terms with our son..." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "...dahil sa ginawa niyang pag iwan sayo pero ija sana kalimutan na lang natin ang nakaraan. Pwede bang mag-usap naman kayo ng anak ko?" Mukhang nagmamakaawang sabi nito, " 'Wag mo sanang baliwalain ang mabuting pagsasama niyo noo--" "Sorry for interrupting po pero wala naman po akong binabaliwala sa pagsasama namin sa loob ng ilang buwan. In fact, siya itong bumaliwala nito when suddenly without knowing any valid reason from him, he left me. Dapat pala sinabi na lang niya na 'di niya ako kailangan sa buhay niya kaysa iwan niya ako na mas masakit pa sa pagkawala ng magulang ko." Hindi ko na napigilang maiyak sa harap nila. Nagsasalita pa lang nga, nagka-c***k na ang boses ko. "We're very sorry for giving you so much pain. Naiintindihan naman kita kaya pati kami nagawa mong layuan. Pero sana mapag isipan mong mabuti ija dahil kung hindi mo siya makakausap hindi mo rin malalaman ang totoong dahilan kung bakit ka niya iniwan ng ganoon na lang. Nandito lang kami ija. Always remember that we are your second family since your parents passed away. Kung ano man ang iniisip ng anak namin ng mga panahong 'yon siguro ikaw ang pinakamaykarapatang malaman 'yon at hindi kami dahil ikaw ang lubusang apektado sa nangyari. We already talked to him about what he did and I see how he regret it. Sana makita mo din." Madamdaming sabi pa nito. Malamang madali para sa kanilang patawarin si Stephen kasi anak nila 'yon. "Para po sa ikakapanatag ng kalooban niyo, pag-iisipan ko po." Sabi ko na lamang. "Salamat ija." - "Masaktan ka man o hindi sa malalaman mong katotohanan at least nalaman mo 'diba? 'Yon aman ang mahalaga." Sabi ni Petunia sa'kin nang malaman niya ang pag-uusap namin ng parents ni Stephen. "Ewan ko." Sabi ko na lamang. "Court, time na 'ata kami. Una na ko." Pagpapaalam ni Vivian. "Nandito lang kami, Courtney. Don't worry." Nakangiting sabi ni Petunia. "Hi beautiful!" Napalingon naman kami sa pintuan kung saan nanggaling ang nagsalita. Si Gian. "Hello! What do you want?" Pagsakay ko sa trip nito. "Well, just passing by to say hi to you and to see you." Sagot nito sabay kindat na nagpatili sa mga nakakita sa kanya sa room. Natawa na lang ako. Maporma si Gian at hindi din naman maitatangging gwapo siya kaya maraming nagkakagusto pero hindi ako isa sa kanila. "Mukhang trip na trip ka ng lokong 'yon ah? 'di ko tuloy maiwasang maisip na paano kaya kung malaman 'to ni Stephen? Hmm?" Komento ni Petunia sa tabi ko. "Baliw! Malaman man niya o hindi, who cares." "Who knows. Pupunta ba 'yon dito ng araw-araw kahit 'di mo pinapansin if he doesn't care? Come to think of it." "Mababaliw lang ako kakaisip. 'Wag na noh." Araw-araw na ngang pumupunta dito sa school si Stephen. Parati nga ding pinagtitinginan ng mga kababaihan at mukhang gustong-gusto naman ng loko! Papansin lang siya. After class kami lang ni Petunia ang magkasama pauwi at dahil coding siya ngayon sa akin siya sasabay at sa paglalakad namin sa parking area bumungad ang taong ayokong makita at makausap. Kaya syempre, deadma lang. "Mrs. Courtney Monterren!" Hindi ko siya pinansin. "Bilisan mo na, Petunia." Dali-dali kong sabi dito saka namin nilagpasan si Stephen. "Please! Let's talk wife." Nagmamakaawang sabi ni Stephen. "Stop calling me wife, Mr. Monterren! Mahiya ka naman!" Inis na sigaw ko dito saka agad na pumasok sa sasakyan ko. "Ok ka lang?" Biglang tanong ni Petunia. "Oo naman. Ako pa ba? Nakaya ko nga ang almost two years na wala siya lalo pa kaya ngayon?" Walang ganang sabi ko. Nanahimik na lamang si Petunia. -  "As we all expected! Nandiyan nanaman siya!" Biglang sabi ni Petunia. "Kausapin mo na kaya. Mag iisang buwan na 'ata 'yang pabalik-balik dito sa school ah." Komento ni Vivian. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Kulang pa 'yan. Una na lang kayong umuwi. Uuwi na lang ako." Walang ganang sabi ko. "Kakausapin mo na?" Tanong ni Tyree. "Hindi. Uuwi na ako. Bye girls." Nakangising sabi ko saka lumakad papunta sa kotse ko nang bigla namang humarang ang mokong. Nilagpasan ko siya. "Courtney, ano bang problema? Pinahihirapan mo ba talaga ako?" Tanong nito habang sumusunod sa akin. Mukha siyang frustrated. "Bakit? Nahihirapan ka na ba? As far as I remember almost two years! Ako ang nahihirapan. Wala pa 'yan sa paghihirap ko noong iwan mo ako!" Madidiing sabi ko dito. "Hindi ka lang naman ang nahihirapan ah? Nahihirapan din naman ako. Ba't ka ba nagkakaganyan?" Kunot noo sabi nito. "Ba't mo ba ako pinapakialaman? Pinakialaman ba kita noong iwan mo 'ko? Hindi 'diba? So you better LEAVE. ME. ALONE. or just get lost!" Sabi ko sabay tulak sa kanya paalis sa kotse ko pero imbis na matibag hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nang tingnan ko siya sa mga mata mukha na siyang galit. "..Let me go!" Inis na sambit ko habang nagpupumiglas. "Sorry my wife but I will never let you go." Nakangising sambit nito kasabay ng pagbuhat nito sa akin na parang sako ng bigas. I heard gasps around us. Dumami pala bigla ang tao sa parking area. Nakakahiya! G*g* talaga itong lalaking ito! Bumalik pa! "Put me down! Manloloko! Paasa! Sinungaling! Papagpanggap!" Sunod-sunod na sambit ko. "Ilang beses ko ng sinubukan na kausapin ka ng maayos pero ayaw mo. Hindi ko nga maintindihan kung ang reason mo lang ay 'yung pag-iwan ko ba sa'yo o may galit ka pa sa'kin kaya mo 'ko pinahihirapan ng ganito pero dahil mahal kita kinakaya ko. Nag iwan naman ako ng sulat bago ako umalis ah? Ba't ka pa nagkakaganyan?" Sambit niya habang buhat-buhat ako. Ipinasok niya ako sa frontseat katabi niya. "..Don't think of running away, dahil mahahabol at mahahabol pa rin kita." Madidiing sabi pa nito. "I hate you!" Mahinang sambit ko nang makasakay siya, pinaandar niya ito agad. Wala akong alam kung sa'n kami pupunta. "Now, tell me. Ano ba talagang problema natin? Nagawa ko na ngang kapalan ang pagmumukha ko sa parents ko para kausapin ka dahil nagbabakasakali akong papayag kang kausapin ako kapag kinausap ka nila pero walang nangyari, kinapalan ko na din ang mukha ko sa lahat ng estudyante sa school mo araw-araw dahil umaasa ako na maaawa ka sa'kin pero mukhang pinahihirapan mo talaga ako, kahit sa mga kaibigan mong alam ang sitwasyon natin kinapalan ko na din ang mukha ko para mahiram ka sa kanila pero wala kang pakialam!" Humigpit ang kapit nito sa manebela. "...Kung ang problema natin ay ang tungkol sa pag-iwan ko sa'yo. 'Di mo ba naintindihan ang sulat ko sa'yo?" "Ah. 'Yung sulat mo ba? Grabe! Ang daling intindihin ah!" "I just have to figured out my feelings for you kaya ako lumayo and I have to find myself too. Ayoko ding maging destruction sa pag-aaral mo that time. Gusto kong mag focus ka sa dreams mo. Alam naman natin pareho na napapabayaan mo ang pag-aaral mo dahil sa akin eh. Kaya I decided to just leave you for a while." Mahihirapang paliwanag nito. "Ganoon ba talaga 'yon? Oh ano ngayon? Nahanap mo na ang sarili mo? Kailangan ikaw ang magdesisyon para sa ikabubuti ko?!" "I found myself running to you but I can't dahil nag-aaral ka pa! I will lose all myself control kapag nagkasama tayo ng matagal sa bahay baka hindi ka makagraduate on time." Dahilan pa nito. Ano bang pinagsasabi nito? "Para matapos na 'tong problema natin, mas mabuti pang kumuha ka ng annulment para sa atin. Mas madali 'yon. Mas makakalayo ka pa sa akin." I said, coldly. "That's b*llsh*t! Anong akala mo sa'kin hindi rin nasasaktan?! T*ng*n*ng annulment na 'yan! Umalis ako para klaruhin ang nararamdaman ko para sa'yo. Tumagal ako doon ng almost two f*ck*ng years because I thought I'm a destruction to your studies kaya nagtiis akong 'di ka makasama at makausap but in the end, 'di ko napigilan ang sarili kong umuwi agad kahit 'di ka pa nakakagraduate, dapat kasi after graduation mo ako uuwi ang kaso mukhang nagkagulo-g**o na ang plano ko sa atin eh! 'di mo 'ata ako naintindihan. Ginawa ko lang naman 'to para sa'yo kasi mahal kita!" Madamdaming sabi nito. "Hindi pa pala noon malinaw ang nararamdaman mo sa'kin 'di mo na lang sinabi. Akala mo ba naging solusyon ang pag-iwan mo sa'kin? Alam mong nasaktan na ako nang iniwan ako ng parents ko tapos uulitin mo lang din pala, to think na nakapagpangako ka pa na 'di mo ako iiwan. Kahit balik-baliktarin natin ang pangyayari hindi natin maitatangging iniwan mo rin ako. Kahit sabihin mo pang babalikan mo naman talaga ako." Madidiing sabi ko. Bigla niyang ipinark ang kotse at tumingin sa'kin ng diretso. "Ok." Huminga ito ng malalim saka nagsalitang muli. "...I'm sorry for leaving you lalo na sa mga oras na kinakailangan mo ako. Sorry for being so selfish na inuna ko ang nararamdaman ko without even thinking what will you feel." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinalikan 'yon. "..Sa loob ng ilang buwan na nagkasama tayo hindi mo lang alam kung gaano na kita minahal at sa bawat araw na lumilipas hanggang umabot ng mahigit dalawang taon mas lalo pa kitang minahal. I admit na nagkamali nga ako so please. Can you forgive me? Hindi ko na kaya ang ganito, Courtney...." Nahihirapang sambit nito. "Ok. I'll forgive you but in one condition." Seryosong sabi ko nang 'di nakatingin sa kanya . "Ano 'yon? Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako." His face suddenly lighten up. "I want an annulment." Mahing sambit ko na alam kong rinig niya. Nasasaktan man ako deep inside sa desisyon kong mag file ng annulment but maybe this is for our own good. Ramdam kong natigilan siya dahil bigla niyang nabitawan ang mga kamay ko. "Ano?! Lahat naman kaya kong gawin, Courtney! 'Wag lang ang t*ng*n*ng annulment na 'yan!" Sambit nito kasabay nang pagsuntok nito sa manebela saka humarap muli sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "..Para saan pa't hinihingi ko ang kapatawaran mo kung magkakahiwalay din lang naman tayo?! Narinig mo ba ako kanina? Sabi ko mahal kita kaya anong akala mo? Gagawin ko 'yang pinagagawa mo? Hindi ko kaya, Courtney." Madamdaming saad nito. Lumapit siya sa akin at yinakap ako. Pinipigilan ko lang ang mga luha ko dahil hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang mahirapan katulad ng hirap na naransan ko sa loob ng dalawang taong wala siya. "Gusto ko ng umuwi, Stephen." Walang ganang sabi ko saka humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Pinaandar niya na lang muli ang kanyang sasakyan. "Kung alam ko lang na ganito magiging kagulo ang buhay at pagsasama natin 'di ko na lang sana ginawa ang mga plano ko! T*ng*n*ng buhay 'to!" Sambit nito habang nag-da-drive. Samantalang ako nakatingin lang sa labas at pinupunasan ang paisa-isang tulo ng mga luha ko na akala ko mapipigilan ko pang lumabas Maya-maya'y nagsalita siyang muli. "W-wala na ba talagang paraan para magkaayos tayo?" Puno ng pakikiusap na tanong nito pero nagmatigas ako. Hindi ko nga alam kung natuto lang akong maging manhid nang iniwan niya ako o mapag-isa. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD