C5: Stronger
-
[Courtney Indayo - Monterren]
Hinintay ko siyang bumalik ng ilang buwan pero wala. Kahit parents niya 'di niya kinokontak. Baka naman kasi nakahanap na ng iba. 'Di ko naman kasi mapanindigan ang pagiging asawa kaya siguro ng iwan. No texts or phone calls kaya 'di na rin ako umasang babalik siya.
Gaya ng pag-iwan niya sa akin. Iniwan ko ang bahay namin. Bumili ako ng condo galing sa savings ko sa banko na inilalaan ng mga magulang ko para sa akin. I forget everything about him.
Last sem ko na din sa college and it's been almost two years na wala siya at masaya naman ako sa buhay ko mag-isa. Sana masaya din siya sa buhay niya. Mahirap pero madali kong natanggap, wala naman kasi talaga akong pinanghahawakan sa relasyon namin noon. Sweet nothings nga lang pala 'yon.
"Court, easy ka lang ah?" Napatingin naman ako kay Petunia sa sinabi nito.
"Huh? Bakit? Anong meron?" Tanong ko na may pagtataka.
Magkakasama kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko dahil friday at kapag friday, it's our bonding day. Girls talk ang mostly bonding namin.
"Alam naman namin na ito ang pinakaayaw mong marinig, but I think you need to know na." Nag-aalangang sabi ni Tyree.
"Tungkol ba saan?" Kunot noong tanong ko.
"Ikaw na magsabi, Eirah. Ikaw naman ang nakakita eh." Biglang sabi ni Ariah kay Eirah.
"Ba't ako? Kayo ang nag-open ng topic na 'yan tapos ako? Sinabi ko na din naman sa inyo eh." Sagot naman ni Eirah.
"Ano bang meron? P*ny*t*!" Iritadong sabi ko.
"Ganito kasi 'yon. Kanina habang naglalakad tayo. We saw your husband. Actually, si Eirah ang nakapansin." Sagot naman ni Vivian na ikinagulat ko.
"What?!" Bigla akong napatayo pero pinaupo nila ako agad at pinakalma. Kumakain kasi kami habang nagkikwentuhan.
Alam kasi nilang sensitive ako sa usapan tungkol kay Stephen kaya dinadahan-dahan nila ako.
"Calm down, Court." Sabi ni Petunia.
'Di ko alam kung bakit sobra akong kinabahan nang malaman kong nandito na sa Pilipinas si Stephen at nandito din pala siya sa mall kung saan naroroon din kami.
"Sorry." Biglang sabi ni Vivian.
"Okay lang ako. Don't worry about me. Nakita niya ba tayo?"
"Hindi naman kasi nga hinila ka na namin palayo dahil alam namin ang mangyayari kapag kayo nagkita." Pagpapaliwanag naman ni Petunia.
"Buti naman." Sabi ko saka nakahinga ng maluwag. Baka may date 'yon dito sa mall kaya napunta. Bahala siya sa buhay niya.
-
Simula nang lumipat ako ng condo, hindi ko na muling dinalaw o binalikan ang bahay namin. Kahit mga gamit ko pa doon. Bumili ako ng mga bago para wala akong maaalala tungkol sa kanya. Ayoko ngang umuwi sa bahay namin kung saan araw-araw ko lang nararamdaman ang sakit ng maiwan at malungkot dahil sa pag-iisa. Sa laki ng bahay namin mas ramdam ko ang pag-iisa ko doon.
Nasa parking area ako ngayon ng school namin nang biglang sumulpot si Gian. Isa sa napakakulit na lalaking nakilala ko.
"Hi beautiful!" Nakangiting bati nito.
"Bolero ka talaga kahit kailan!" Natatawang sabi ko naman dito.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Dahilan nito.
"Tigilan mo nga ako, Gian."
"I won't hangga't 'di mo ako sinasagot." Nakangiting sabi nito saka kumindat. "..I'll see you around." Sabi pa nito saka umalis.
Naglalakad na ako paalis ng area nang may biglang humila sa'kin at yumakap mula sa likuran ko kaya sobra akong nagulat.
"I miss you so much wife." Biglang kumunot ang noo ko hindi dahil sa sinabi niya kundi ang pagtawag niya sa akin.
"Excuse me? don't you dare call me your wife again. Sino ka ba?" Walang ganang tanong ko na nagpipigil ng inis.
Hinarap niya ako at tinitigan sa mga mata ng may pagtataka. Nagulat siguro siya sa sinabi ko. Well, I don't care.
"But I'm your husband, Courtney! Alam kong kilala mo ako." Natatawang sambit nito habang hawak ang magkabilang balikat ko. Habang ako naman ay nagpapakatatag na 'wag ipakitang mahina ako sa harap niya o kahit ipakitang apektado ako na nandito siya.
Sino ba siya?
"As far as I remember my husband left me almost two years ago. Bumalik ka pa." I sarcastically said and laughed.
Nang akmang aalis na ako, hinawakan niya ang kanang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso at walang ipinapakitang emosyong nasasaktan ako.
"Let's talk." Mahinahong sabi nito.
"Sorry. I'm busy, hope you don't mind." Mataray na sambit ko saka ko inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
-
"Nagkita kayo?" Gulat na tanong ni Petunia. Tumango lang ako. "..So how are you?"
"I'm fine and so good."
"Ok. Sabihin mo 'yan sa isda baka maniwala."
"Magtatanong ka tapos 'di mo naman paniniwalaan."
"Alam naman namin ang nararamdaman mo ngayon. 'Wag mo lang kalilimutang nandito lang kaming nga kaibigan mo para sa'yo. Kung ano man ang maging desisyon mo. Hindi kami mawawala sa tabi mo."
"Thank you. Na-a-appreciate ko naman 'yon. Ayoko lang talagang pag-usapan ngayon."
"Ok! Focus na muna tayo sa ibang bagay." Nakangiting sabi ni Vivian.
Mas mabuting mag-focus sa pag-aaral kaysa sa nagbabalik kong asawa sa papel.
-
"Excuse me. Can I just talk to my wife?" Seryosong sabi ni Stephen na biglang lumapit sa amin saka ako hinawakan sa kamay.
Mali yatang namasyal pa kami ni Vivian ngayon. Sinusundan ba niya ako? Hinila ko agad ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakakapit nito. Hindi pa nakakapagsalita si Vivian ng hinahin na ako ni Stephen.
"Bitawan mo ako, Stephen!"
"Hindi kita bibitawan hangga't 'di mo ako kinakausap."
"Wow! Ano pa ba sa tingin mo nito? Nag-sa-sign language tayo?" Iritaong tanong ko.
"Bibitawan kita. Mangako kang hindi ka aalis." Kalmadong sabi nito.
"Sige." Walang ganang sagot ko saka naman nito binitawan ang kamay ko pero hindi ko siya sinunod.
Tumakbo ako na parang bata kahit pinagtitinginan pa ako ng mga tao. Narinig ko ang ilang beses nitong pagtawag sa akin pero 'di ko ito pinansin. Kung dati napapaniwala niya ako sa sweet nothings niya. Pwes ngayon, hindi na.
-