C4: Letter
-
[Courtney Indayo - Monterren]
Pagkatapos ng nangyari kanina naiwan ako sa pool na napatulala sa nangyari. Hindi ko alam kung sasabihan ko siya ng g*g* o emotero. Kasi iniwan ako sa pool, buti pa beer niya dinala. Nag sorry pa ito at pailing-iling na iniwan ako.
Nag sorry siya siguro kasi dala lang ng kakainom niya ng beer 'yon. Hindi ko din alam kung masasaktan ba ako o magtatampo sa ginawa niya pero mas minabuti kong hayaan na lamang. Walang lugar sa akin ngayon ang pagdaramdam sa mga bagay na hindi naman sinasadyang gawin o mangyari. Tyaka sino ba naman ako? Asawa lang niya sa papel.
Pinagod ko na lamang ang sarili ko sa kakalangoy para makalimutan din ang kiss niyang walang kwenta. Ang t*ng* ko pala kanina. Dapat itinulak ko na lang siya o kaya sinampal. Nag assume pa ako.
"Sh*t!" Biglang sambit ko na lamang dahil nag iinit ang mga mata ko. Ba't ako naiiyak?! Mahirap umiyak kapag nagsiswimming ah pero nadadala ng tubig ang mga luha ko.
-
"Sorry ab--"
"Wala 'yon! Nag sorry ka na kanina ah? 'Wag mo ng ulitin. No big deal." Walang ganang sabi ko dito.
"No big deal huh?" Seryoso ang boses nito. Eh seryoso din naman ako.
"Oo." Hindi ko ito tinitingnan. Patuloy lang ako sa pagkain ng hapunan namin. Minadali ko pa ang pagkain na hindi ito tinatapunan ng tingin. Ayokong makitang naaawa siya sa akin dahil sa halik niya na hiningian niya ng tawad.
"S-saan ka pupunta?" Mahinang tanong nito nang matapos akong kumain.
"Matutulog."
"Hindi ka na ulit mag-si-swimming?"
"Pagod na ako."
"Sige. Good night, Courtney."
Tumango lang ako saka pumunta sa kwarto ko. Naligo ako't nagbihis ng pantulog saka nahiga at hinintay na makatulog. Namimiss ko nanaman ang parents ko.
-
Pauwi na kami ng Manila. Masakit katawan ko dahil sa kaka-swimming. Nanibago yata.
"Courtney."
"Hmm?" Sagot ko nang nakapikit lang dahil inaantok ako.
"About the kiss.."
"Ano?"
"I said sorry dahil alam kong nabigla kita and not because I didn't mean to kissed you.." Mahinang paliwanag nito.
"Aah. Okay." Sabi ko na lamang.
Napamulat aking mga mata nang ihinto nito ang sasakyan saka ko ito binalingan ng tingin nang nakakunot noo.
"Courtney.." Mahinang banggit nito sa pangalan ko saka huminga ng malalim. "..Are you mad at me?"
He held my face kaya wala ng kawala ang umiiwas kong mga mata dito.
"B-bakit naman ako magagalit?"
"Because I kissed you." Dahilan nito.
"Hindi."
"So, can I kiss you again?" Nahihirapang tanong nito.
Hindi ako nakasagot. Ano? Hahalikan niya ako tapos mag-so-sorry ulit siya?!
"Tapos mag-so-sorry ka ulit?" Halos pabulong na tanong ko na may hinanakit.
"Hindi." Mahinang sagot nito at agad na kinalas ang seatbelt niya saka naglapat ang aming mga labi.
He kissed me gently na para bang nakakawala ng katinuan. I kissed him back with the same gentleness. Napakapit ako sa batok nito na naging dahilan para mas lumalim ang aming halikan. Hanggang sa kapusin kami ng hininga. He smiled as my heart rapidly gone crazy the kissed my forehead.
Hindi ko man magawang magtanong kung para saan ang halik na 'yon, malakas ang pakiramdam kong espesyal 'yon.
-
Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko siya. Tinamaan na ba talaga ako sa asawa ko?
"Hoy!"
"Courtney!"
Napabaling naman ang tingin ko sa babaeng umupo sa tabi ko. Si Petunia, isa sa mga kaibigan ko kasama si Vivian.
"Hi girls!" Bati ko naman sa kanila.
"Anong meron at nangingiti ka bigla diyan?" May panunuksong tanong ni Vivian.
"Dahil ba 'yan sa asawa mo?" Mahinang tanong ni Petunia na may pang-aasar.
"Wala!" Natatawang sagot ko.
"Alam mo napansin ko ding palangiti ka lately." Panunukso ni Vivian.
"Palangiti naman talaga ako ah!"
"Pero hindi naman madalas noon. Nililigawan ka ba ng asawa mo?" Mahinang tanong ni Vivian.
"Bakit 'di na lang totohanin ang lahat..." Biglang kanta naman ni Petunia na ikinatawa ko.
"Wala kayong magawa ano?"
"Iba kasi awra mo, Court!" Nangingiting sabi ni Vivian.
"Ewan ko sainyo! Dami niyo lang napapansin eh." Napapailing na sabi ko na lamang.
-
Napadalas ang pag-di-date namin ni Stephen every Saturday and Sunday na kinatutuwaan naman ng parents niya lalo na nang napadalaw kami sa bahay nila na magkahawak kamay.
Ilang buwan na rin kaming ganito ang pakitungo sa isa't-isa, parang mag-boyfriend at girlfriend na masaya pala sa pakiramdam. Ramdam na ramdam ko kung gaano na ako kahalaga sa kanya. 'Di ko man marinig o naririnig ang tatlong salitang gusto kong marinig, nararamdaman ko naman ito base sa ikinikilos niya.
Kaso kung gaano naman kami ngayon kalapit sa isa't-isa at may maayos na pagsasama saka naman nagkaproblema sa grades ko sa major subjects ko pa. Kapag naman tinutulungan naman kasi niya ako, napapat*ng* lang ako dito. Natutuwa akong titigan siya habang tinuturuan ako eh. Kaya nagagalit siya sa akin kaso 'di naman niya ako natitiis. Nag-so-sorry siya agad sa akin.
"Babawi na lang ako next sem. Sorry." Sabi ko dito. Hindi ko kasi talaga natutukan pag-aaral ko.
"Mas mahihirapan ka next sem. Overload na ang units mo." Seryosong sabi nito. "..Sabi mo babawi ka sa final exam." Disappointed na sabi nito.
"Sorry na. Totoo na 'to. Next sem gagawin ko na lahat." Nakangusong sabi ko dito.
Napabuntong hininga ito saka ako yinakap ng mahigpit.
-
Nagising akong nakangiti dahil naalala ko ang date namin kagabi. Ang tagal niya akong yinakap. 'Yon na yata ang pinakamatagal na yakap niya.
Ang ngiti ko simula magising ay nawala dahil lang sa isang sulat ni Stephen na nabasa ko.
*******
Always take care of yourself. I just have to clear things out alone and I have to find myself. Focus on your studies not on me. Sana maintindihan mo ako.
- Stephen
*******
Nanghina ako at hindi ko na namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng akong mga luha. He left me? Paano ko maiintindihan ang gusto niyang iparating sa isang sulat na wala man lang kapaliwanagan?
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko saka naligo at nagbihis para pumunta sa bahay ng parents niya. Nagbabakasakaling nandoon siya pero wala. Ni sarili niyang magulang hindi alam kung nasaan siya ngayon.
"Ija, pwedeng dito ka na muna sa amin. Alam kong babalik din ang anak namin. Pasensya na talaga." Puno ng awang sabi ng ina ni Stephen sa akin.
Hindi ako pumayag. Ilang araw akong nagkulong sa bahay namin. Pinuntahan nila ako pero hindi ko sila pinansin. Dinalaw din ako nila Vivian pero wala akong ginawa kundi ang umiyak.
"Courtney, hindi dahil umalis siya o iniwan ka niya. Sisirain mo na ang buhay mo. Ito ba ang gusto mo? Ang malungkot habang buhay? Paano kung hindi na siya bumalik? Mamamatay kang malungkot?" Seryosong sabi sa akin ni Vivian. Yinakap niya ako saka pinatahan.
Tinulungan niya ako kasama ang iba pa naming mga kaibigan na makabangon muli sa sakit na nararamdaman ko.
-