Ilang araw na lang ay birthday na ni Alexis. Nag-aagaw ang isip at puso ni Ghian kung patuloy pa ba siyang magmamatigas kay Alexis dahil hindi niya maikakaila ang labis na pagpapahalagang ipinaparamdam nito sa kanya. Yes, he’s so possessive with her as if he really owns her, ni ayaw siya nitong lumabas na hindi ito kasama. He always act sweet to her, he always act as if he really loves her. Pero natatakot pa rin siya. Mag-isa na lang siya sa buhay niya at sa loob ng dalawang taon na namuhay siyang mag-isa ay nasanay na siyang hindi umaasa sa iba. Nasanay na siyang walang nag-aalaga at nagpapasaya sa kanya. Nasanay na siyang sarili na lang niya ang umiintindi sa kanya. But here’s Alexis in her life again… at ayaw niya ang nararamdaman niyang saya sa tuwing nagiging sweet ito sa kanya

