“What, Mom, magpapakasal ka ulit?! Yan ba ang dahilan kaya tayo lumipat dito sa Manila?!” bulalas na tanong ni Ghianna sa Mommy niya nang sabihin nito sa kanya na balak nitong magpakasal sa bago nitong boyfriend.
Silang dalawa na lang ng mommy niya ang magkasama sa buhay dahil bata pa lang siya ay namatay na ang Daddy niya. Ang mga natitirang kamag-anak naman nila ay nasa probinsiya. Hindi nga niya alam noong una kung bakit nagpasya ang mommy niya na sa Maynila na sila manirahan kahit ayos naman ang buhay nila sa probinsiya. Nalaman na lang niya na may boyfriend pala ito sa Manila.
In the province, they belong to a middle-class family dahil naging madiskarte rin ang mga magulang niya.
Ang sabi ng mommy niya ay may magandang offer raw ng trabaho rito, kaya hinayaan nalang niya at sinunod ang desisyon nito. After all, she’s still dependent to her at hindi niya kakayaning mawalay rito. Yon pala ay may iba itong plano na di sinabi sa kanya.
Maybe because her Mom knows na kokontra siya sa plano nitong muling pag-aasawa.
“Ghian, please understand. Nagmamahalan kami ni Crisanto. Makikilala mo rin siya ng lubusan anak, he’s a good man.”
“I don’t care Mom! Basta ayaw kong magpakasal ka sa kanya!” aniya at nag walk-out na siya papunta sa kwarto niya.
She doesn’t want her mom to wed again! Maybe it was because of her fear and insecurity na mabawasan ang oras at pagmamahal ng mommy niya sa kanya, na balewalain na siya nito. At ikinatatakot niya ring sasaktan ito ng magiging asawa nito.
Ilang beses na rin niyang nakilala ang boyfriend nito dahil sa loob ng halos isang taong paninirahan nila sa Manila ay ilang beses na rin itong bumisita sa kanila.
The man seemed to be filthy rich at mukhang may lahi. But she doesn’t care about those things! Ang mahalaga lang sa kanya ay ang mommy niya.
So, no! She will disagree with their marriage.
Dapat sana ay nagiging open minded na siya sa bagay na iyon because she’s now 16 years old, already a young lady. Pero hindi yata niya matanggap na may ibang mamahalin ang mommy niya bukod sa daddy niya. She really had many reasons para kumontra sa kasal ng mommy niya. But it seems na hindi na papipigil ang mommy niya.
One day, her mom brought her to dinner date with her boyfriend. Ipapakilala na rin daw sa kanya ang anak ng magiging asawa ng mommy niya.
Her mom and her boyfriend seemed to be really excited about their dinner but not her. But then, hinayaan na lang niya ito. Kahit kontra siya, ayaw naman niyang saktan ang damdamin ng mommy niya.
“I’m glad you came, Ghianna. Thank you for coming.” Nakangiti agad na bati sa kanya ni Crisanto Montalban, ang boyfriend ng mommy niya.
Ngumiti na lang siya ng tipid dito dahil ayaw naman niyang maging rude dito lalo at nasa public place sila.
Inalalayan pa ni Crisanto ang mommy niya sa pag-upo pagkatapos nitong halikan sa pisngi ang mommy niya. He really seemed gentleman at mukang mahal talaga nito ang Mommy niya. But she won’t be easily swayed.
“Nasaan si Alexis?” tanong ng mommy niya sa boyfriend nito.
Malamang ang anak ng boyfriend nito ang tinutukoy ng mommy niya dahil boyfriend lang nito ang nadatnan nila sa restaurant na iyon.
“He will be here soon, may dinaanan lang siya.” Nakangiting sagot naman ng boyfriend ng mommy niya.
Nag-order na sila ng pagkain at di nagtagal ay may biglang nagsalita sa likod niya. It was a deep, masculine voice at buong-buo.
“Dad, I’m sorry I’m late.” Anito.
Agad siyang napalingon at tumambad sa kanya ang isang lalaking matangkad, malaki ang pangangatawan at hindi maikakailang napakagwapo. Hindi niya sigurado kung malaki ang agwat ng edad nila dahil kahit malaki ang pangangatawan nito ngunit ang mukha nito ay hindi pa naman masyadong matured tingnan.
“Alexis! It’s ok son, tama lang ang dating mo.”
Lumapit at humalik ang tinawag na Alexis sa pisngi ng daddy nito maging sa pisngi ng mommy niya.
“Tita. It’s nice to see you again.” Sabi pa nito sa mommy niya.
Napakunot naman ang noo niya dahil mukhang hindi pala niya ito makakatulong na paghiwalayin ang daddy nito at ang mommy niya.
“Son, meet Ghianna. Siya ang ikinikwento kong anak ni Amanda. For sure magkakasundo kayo.” Pagpapakilala ni Crisanto Montalban sa kanya.
“Ghianna, this is my son Alexis. You are studying in the same school. Pwede ka niyang matulungan kung may kailangan ka.” Baling naman nito sa kanya na nakangiti.
Ayaw niyang barahin ito kaya ngumiti na lang siya at tiningnan si Alexis.
“Hi!” Nakangiting bati nito sa kanya.
Napataas naman ang kilay niya rito. Masyado itong presko. Akala ba nito ay magiging apektado siya sa kagwapuhan nito? No! Never!
Tumango na lang siya rito at itinuon ang pansin sa paparating na waiter sa table nila na may dala nang mga pagkain.
Kumain siya ng tahimik habang nagkukuwentuhan ang Mommy niya at ang boyfriend nito at paminsan minsan ay sumusingit din sa usapan si Alexis.
Nang matapos siyang kumain ay nagpaalam muna siyang pupunta siya sa comfort room.
“You seem to be against their relationship.” Agad siyang napatingala nang nakayuko siyang lumabas sa comfort room habang chinicheck ang cellphone niya.
“Obvious ba?” pataray na sagot niya kay Alexis at balak na itong lampasan ngunit pinigilan nito ang braso niya.
“You know what? I like you.” Anito at bigla siyang isinandal sa pader at inamoy ang buhok niya. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa inasta nito.
Is he into her??
“A-anong ginagawa mo?!” natatarantang tanong niya rito.
Agad rin naman siya nitong pinakawalan at namulsa na lang sa harap niya habang tinititigan siya.
“But I’ll spare you because you’ll be my step sister soon.” Anitong ngumisi sa kanya at tinalikuran na siya.
The hell!
Sa gulat niya ay natulala na lang siya sa papalayong bulto nito.
“P-pervert…” mahinang bulong na lang niya sa sarili niya.