Nang bumalik siya sa table nila ay handa na ang lahat para umuwi at siya na lang ang hinihintay. Hindi na niya sinulyapan si Alexis dahil gulat na gulat pa rin siya sa inasta nito sa kanya kanina.
That Alexis is two-faced! He seems nice but he’s a maniac.
Naiinis siya na ganitong pamilya ang papakasalan ng mommy niya.
But Crisanto Montalban was always nice to her at parang hindi naman nito kapareho ang anak nito. Ilang beses na rin silang napagsolo ng boyfriend ng mommy niya ngunit ni minsan ay wala naman itong sinabi o ginawang masama sa kanya. Baka ang Alexis lang na iyon ang may pagka pervert. Sayang lang ang kagwapuhan at kakisigan nito dahil may pagkaabnormal naman pala ito.
Pero lalo lang siyang nakumbinsi na hind dapat magpakasal ang mommy niya sa Crisanto na iyon. Coz what if pagsamantalahan siya ng Alexis na iyon? What if gapangin siya nito sa kwarto niya pag tulog siya at molestiyahin siya?
For sure sa isang bahay na sila titira pag nging asawa na ng mommy niya ang Crisanto na iyon. No! Hindi talaga siya papayag!
“Mom! That Alexis is a pervert!” agad sabi niya sa Mommy niya at nanggagalaiting nagpalakad-lakad siya sa sala nila. Kakahatid lang sa kanila ng boyfriend ng mommy niya at hindi na siya nakapaghintay na sabihin sa mommy niya ang pagkatao ng anak ng boyfriend nito.
“What?!” gulat na tanong sa kanya ng mommy niya at hindi makapaniwalang tiningnan siya.
“Yes Mom, he sniffed my hair and he.. he…” hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil wala naman nang ibang ginawa si Alexis sa kanya.
“What, Ghianna? Sa sobrang ayaw mo bang magpakasal ako sa Tito Crisanto mo ay gagawa ka ng kwento?! For God’s sake, Ghianna! Mabait na bata si Alexis. Siya mismo ang hinahabol ng mga babae kaya bakit siya magkakainteres sayo? Stop this nonsense Ghianna, pumasok ka na at magpahinga sa kwarto mo!” matigas na sabi sa kanya ng mommy niya pagkatapos ay tinalikuran na siya.
Her mom doesn’t believe her! Pero paano ba niya mapapatunayan dito ang sinabi niya eh wala naman siyang ebidensya?
Nanggagalaiting pumasok na lang siya sa kwarto niya at ipinangako sa sariling gagatihan niya ang Alexis na iyon.
Naging sinungaling pa tuloy siya sa mata ng mommy niya dahil dito!
Sa mga sumunod na araw ay pumasok siya sa iskuwela at sa bakanteng oras ay tumambay sila ng mga kaibigan niya sa cafeteria.
“Jiselle, pasahan mo naman ako ng scandal.” Narinig niyang bulong ng kaibigang si Anna kay Jiselle.
“Ako rin.” Bulong din ni Eliza kay Jiselle.
“Tssskk. Kababae niyong tao ang hihilig niyong manuod ng ganyan.” Naiiling na sabi niya sa mga kaibigan niya. Hindi niya talaga maintindihan ang trip ng mga ito at mahilig ang mga itong manuod ng s*x video. Alam naman niyang mga virgin pa ito gaya niya pero mukhang napakalilibog ng mga ito.
“Try mo rin kasing manuod Ghian para malaman mo. Panigurado uulit-ulitin mo.” sabi ni Jisella sa kanya at kinagat pa ang ibabang labi nito at pumikit.
“At hahanap-hanapin mo.” Dugtong na sabi ni Eliza sa kanya pagkatapos ng mga itong tumawa ng mahina.
Ngunit maya-maya pa ay biglang nanigas sa pagkakaupo si Jiselle habang nakatingin sa entrance ng cafeteria.
“Nandito siya! Nandito siya!!” patiling sabi nito na pigil na pigil mapalakas ang boses.
Malamang nakakita na naman ito ng guwapo kaya hindi na siya nag abalang tingnan ang tinutukoy nito. Sanay na siya sa mga kaibigan niya na nagbibilang yata ng guwapo sa university nila. Hindi na siya magtataka kung may maagang mabuntis sa mga kaibigan niya dahil sa kakirihan ng mga ito.
Samantalang siya ay walang interes sa mga guwapo at macho. Sa probinsya nila ay sanay na siyang nakakakita ng mga nakahubad na lalaki at tanging brief at shorts lang ang suot kaya hindi na sa kanya bago ang makakita ng mga katawan ng kalahi ni Adan. At wala rin siyang interes maghanap ng gwapo dahil kuntento naman siya sa buhay niya kasama ang mommy niya. Walang appeal sa kanya ang mga lalaking nakikita niya.
“OMG!” tili naman ni Eliza at sumunod ay tumili din si Anna.
Narinig din niya ang tilian ng iba pang babaeng estudyanteng nasa cafeteria ngunit binalewala na lang niya iyon at nagpatuloy na lang siya ng pagkain ng junk food na binili niya.
“s**t! Girls, papalapit siya sa atin!” ani Anna at biglang inayos ang buhok nito at inipit sa likod ng tenga nito.
Parang nataranta naman sina Jiselle at Eliza at hindi na mapakali sa pagkakaupo.
“Hello, sister.” Natigilan siya nang marinig ang nagsalita.
That voice. It’s familiar….
Napakunot ang noo niya hanggang sa nanlaki ang mga mata niya nang marealize kung sino ang may-ari ng boses na iyon at gulat siyang napatingala.
“Alexis!” Bigla niyang naibulalas ang pangalan nito.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan samantalang dapat ay nagagalit siya rito.
Taka namang napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya na nanlalaki ang mga mata. Sa itsura ng mga ito ay mukhang ang dami ng mga itong gustong itanong sa kanya at paniguradong gigisahin siya ng mga ito ng tanong mamaya kung bakit magkakilala sila ni Alexis--ang isa sa mga lalaking kinahihibangan pala ng mga kaibigan niya.
“Can I sit here?” nakangiting tanong nito sa kanya na inginuso ang bakanteng upuan sa tabi niya.
Ibinubuka pa lang niya ang bibig niya para sana tumanggi ngunit mabilis na sumang-ayon ang mga kaibigan niya at sabay-sabay pang tumango. Masyado talagang halata ang mga kaibigan niya. Tsskk. Hindi man lang maging dalagang pilipina.
“Thank you.” Sabi naman ni Alexis at nakangiting tumabi sa kanya. Inilapit pa nito lalo ang upuan sa kanya kaya tiningnan niya ito ng masama.
Sa itsura nito ay mukhang napakabait ito at wala sa itsurang may pagkabastos ito but she knows better!
“Bakit ka nandito?” tinaasan niya ito ng kilay. She doesn’t need to pretend that she likes him, does she?
Pinanlakihan naman siya ng mata ng mga kaibigan niya na waring sinisita siya.
“This is my school too, that’s why.” Naaamused na sagot nito sa kanya na bagya pang tumawa. Lalo tuloy kinilig ang mga kaibigan niya pati ang iba pang babae sa paligid nila.
“Ang ibig kong sabihin, bakit dito ka pumuwesto? Wala ka bang mga kaibigan?” mataray na tanong niya ulit kay Alexis.
Tumawa ito ng malakas sa tanong niya at sa gulat niya ay kumuha ito ng chichiryang kinakain niya at isinubo sa kanya. Pagkatapos ay parang wala lang na kumuha ulit doon at sa pagkakataong iyon ay isinubo na sa bibig nito.
“You’re so cute.” Anito at kinurot pa ng bahagya ang pisngi niya.
“Alexis, ano ba?!” naiinis na inilayo niya ang mukha niya sabay tabing sa kamay nito. Ngunit agad rin niyang inilapit ang mukha niya rito.
“Gusto mo bang sabihin ko sa mga tao rito na pervert ka?!” mahina ngunit may diing bulong niya rito. Kailangan niya itong takutin para tigilan na siya nito at lalo lang siyang nabubwisit rito.
Ngunit inilapit nito lalo ang mukha sa mukha niya at binulungan din siya.
“Who’s pervert? Do you want to see what’s really a pervert?” bulong nito at pasimpleng inamoy siya. Muling nanlaki ang mga mata niya dahil narinig niya ang mariing paghinga nito at pakiramdam niya at nanayo pa ang mga balahibo sa batok niya nang maramdaman ang mainit na hininga nito doon.
“Aelxis!” narinig niyang tinawag ito ng ilang kalalakihan at agad na rin itong tumayo.
“See you later, sister.” Anitong nakangiti at bahagya pang ginulo ang buhok niya.
Tiningnan niya ito ng masama ngunit tumalikod na ito sa kanya.
“Bwisit!” Biglang sabi niya nang nakatalikod na ito.
“Ghian!! Bakit di mo sinabing kakilala mo si Alexis? OMG girl ikaw pala ang kailangan namin para lumapit siya sa amin! At bakit tinawag ka niyang sister? Wala naman siyang kapatid.” Sunud-sunod na tanong sa kanya ni Jiselle tapos nagtataka siyang tiningnan.
“Oo nga, alam ng lahat ng estudyante rito na wala siyang kapatid—” sabi naman ni Anna.
“Ampon ka ba? Oh my—”
“Tumigil na nga kayo! Diba nasabi ko na sa inyo na balak magpakasal ulit ng mommy ko? Daddy ni Alexis ang boyfriend ng mommy ko.” Masama ang loob na sabi niya. Ayaw pa rin niyang tanggapin na magpapakasal ulit ang mommy niya.
But what could she do? Wala! Dahil nasa mommy pa rin niya ang desisyon kahit anong pagkontra pa ang gawin niya.
“Ibig sabihin, malapit mo na siyang makasama sa iisang bahay….” Dilat na dilat ang mga matang sabi ni Eliza pagkataoos ay sabay-sabay na tumili ang mga kaibigan niya.
“Palagi ka naming bibisitahin Ghian!!” excited na sabi ni Jiselle.
Napabuntong-hininga na lang siya at napapailing sa mga kaibigan niya.
“Mga lukaret talaga.” Bulong pa niya.
Napag-alaman niya sa mga kaibiga niya na College student pala si Alexis sa university na pinag-aaralan niya. At sikat ito dahil isa itong varsity player ng basketball team. Bukod kasi sa angking kakisigan at kagwapuhan nito ay magaling pa ito sa basketball, ayon iyon sa mga kaibigan niya. Bukod pa doon na napakayaman din nito.
Pero wala pa rin itong appeal para sa kanya at ang tanging nadarama niya para dito ay inis!
Nang matapos ang lahat ng klase niya at naghihintay na siya ng taxi sa labas ng school ay may biglang tumigil na kotse sa tapat niya.
Biglang bumukas ang windshield niyon at agad niyang nakilala si Alexis na nagdadrive niyon.
“Hop in!” anito sa kanya ngunit tinaasan lang niya ito ng kilay at tumingin sa ibang direksiyon, pretending that she didn’t see him.
Biglang bumaba si Alexis sa kotse nito at sa gulat niya ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa kotse.
“Alexis ano ba?! Bitawan mo nga ako!” nagpumiglas siya ngunit hindi nito pinakawalan ang kamay niya.
Nagawa siya nitong mapasakay sa kotse nito at wala na siyang nagawa kundi humalukipkip nalang at masamang tumingin sa labas hanggang sa makasakay na rin ito.
“Sa lahat ng babae rito, ikaw lang yata ang hindi nakakakilala sa akin. At ikaw lang ang tumatanggi sa akin. You’re getting more and more interesting.” Napatingin siya rito at tinitigan siya nito na naniningkit ang mga mata na animo ay may kapilyuhan itong iniisip.
Naalarma naman siya sa titig nito dahil paano kung bigla nalang siya nitong sunggaban at halikan? Wala siyang kalaban-laban kung sakali lalo at nasa loob siya ng kotse nito.
Ngunit ngumisi lang ito sa kanya at iiling-iling na pinaandar na ang kotse nito.