Chapter 3 – Spending Time With The Pervert

1158 Words
“Saan mo ba ako dadalhin Alexis?!” masama ang tinging ipinukol niya kay Alexis nang mapansing hindi pa siya nito iuuwi sa apartment nila ng Mommy niya. Lihim na siyang nag-aalala na dalhin siya nito sa kung saan at makaisip itong gawan siya ng masama. Sa guwapo nito ay hindi aakalain ng kung sino na magagawa nitong mangaladkad o mamilit ng babae para sumama rito. At bakit ba kasi siya nito pinag-aaksayahan ng oras samantalang ang dami namang mga babae ang baliw na baliw rito? Gusto ba siya nitong pagtripan? Nachachallenge ba ito sa kanya dhail walang epekto sa kanya ang popularity at kagwapuhan nito? Manigas na lang ito dahil hinding-hindi siya magagaya sa mga babaeng nahuhumaling dito. At isa pa, kung maging step brother niya ito ay sisiguraduhin niyang lalo niya itong iiwasan. Hindi ito sumagot sa kanya na tila wala itong narinig kaya lalo siyang nakaramdam ng inis. “Alexis! Isusumbong kita kay Mom at pag nalaman ito ng daddy mo siguradong aawayin siya ng Mommy ko! Naiintindihan mo ba? Kaya iuwi mo na ako o kaya ay pababain mo na lang ako!” kulang na lang yata ay bumuga siya ng apoy sa sobrang inis niya rito. “Oh, don’t worry. Sinabihan ko na si Tita na ipapasyal kita.” Relax na relax na sabi nito. Lalo tuloy niyang naiisip na may pagkaabnormal ito. At bakit tila wala lang dito na naiinis na siya rito ng sobra? Ngunit agad tumimo sa isip niya ang sinabi nito na alam ng mommy niya na kasama siya nito. Hinayaan ng mommy niya na makasama niya si Alexis pagkatapos ng sinabi niya sa mommy niya? Talaga palang tiwalang tiwala ang Mommy niya sa kumag na kasama niya. Pero hindi siya pabibiktima sa kabaitang ipinapakita nito. He’s a pervert! “Alam niya at pumayag siya?” tanong niya na sarili lang niya ang kinakausap niya. Hilaw pa siyang natawa sa inis niya. “Why? Bakit parang ayaw na ayaw mo sa akin? Di ka ba nagagwapuhan sa kin? Masuwerte ka nga at nilalapitan kita. Kung ibang babae lang, baka niyaya na ako sa kama.” Ngumisi pa ito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. At talagang wala yatang filter ang bunganga nito. “Bastos!” nasabi na lang niya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa kanya. Yayayain sa kama? Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang sinabi nito. Kahit naman virgin pa siya at wala pang nagiging boyfriend ay alam niyang s*x ang tinutukoy nito. “Why? Totoo naman. Didn’t you see your friends how they behave when I’m near? Isang ngiti ko lang sa kanila, for sure sasama na sila.” Mayabang na sabi pa nito. “Alam mo, Alexis, ang yabang mo. Hindi ka lang pala abnormal, mayabang pa.” tinitigan niya ito ng masama bago muling ibinaling ang tingin sa harap. “Kanina pervert, ngayon abnormal at mayabang?” natawa pa ito sa kanya. Magsasalita pa sana siya ngunit itinigil na nito ang kotse at agad na itong bumaba. Agad na rin siyang bumaba at masama pa ring tiningnan si Alexis. “Bakit mo ako isinama rito?” kunot-noong tanong niya kay Alexis nang bumaba sila sa isang sikat na Mall. “I’ll just buy something for someone I like.” Anitong nakangiti. “Eh bakit mo ako isinama??” takang tanong niya. “I need your opinion. Ikaw ang papapiliin ko kung ano ang bibilhin ko.” “Ok, tara na.” sabi na lang niya at nagpatiuna na siya rito ng paglalakad dahil pinagtitinginan na sila ng ibang tao na karamihan ay mga babaeng kaedaran lang yata niya. “Hey, wait for me.” Natatawang sabi nito at malalaki ang hakbang na hinabol siya. Isinama siya nito sa isang jewelry store at nagpatulong itong pumili ng kwintas. Hindi naman sila salat ng mommy niya ngunit tila nalula parin siya sa presyo ng mga alahas roon. Kung para sa sarili niya ay never siyang bibili ng mga alahas na nagkakahalaga ng milyon ngunit alam niyang para kay Alexis ay balewala lang iyon. “How about this one?” itinuro nito ang isang necklace na may malalaking diamonds. Agad siyang napailing sa itinuro nito. Masyadong pansinin ang style na iyon at di iyon papasa sa panlasa niya. Ngunit naisip niyang hindi naman pala siya ang naghahanap ng mabibili kundi si Alexis. “Ano bang klase ng babae ang reregaluhan mo Alexis? Kasi kung babaeng mahilig sa mga alahas at bling blings, baka magustuhan niya iyan.” “Hmmm. I think she’s not that type of girl.” Anito. “How about this one?” itinuro niya ang isang necklace na may maliit lang na diamond. “Or this one?” at itinuro niya ang isang gold necklace din na dalawa ang pendant. Tinitigan naman nito ang mga itinuro niya at tumingin sa kanya. “I don’t know. Wala akong alam sa mga ganyan. If you are to choose, alin ang pipiliin mo?” tanong nito sa kanya. “I think this one is better. Opinyon ko lang yan ha. Dapat kasi kilalanin mo muna ang reregaluhan mo para di ka mahirapang maghanap ng ireregalo next time.” Sabi na lang niya at naiinip na tumingin sa relo niya. “Ok then.” Anitong nakangiti at ipinakuha na sa sales lady ang napili niya. Lalayo na muna sana siya ngunit pinigilan naman ni Alexis ang braso niya. “Wait! Let’s see if it looks good.” Anito at pinatalikod siya. Bumuntong-hininga na lang siya at sumunod para makaalis na sila doon at agad na siyang makauwi. “Naku, sir! Bagay na bagay sa girlfriend mo!” tila kinikilig na kumento ng sales lady na nag assist sa kanila. “I’m not—” “We’ll get this.” Putol ni Alexis sa sinasabi niya at agad nang binayaran ang napili nila. Nakangiti pa itong nagpasalamat sa sales lady nang paalis na sila kaya parang kinilig naman ang sales lady at kumaway pa. Tumalikod na siya at inaalis na sana ang necklace na nabili ni Alexis ngunit pinigilan nito ang kamay niya. “It’s yours.” Anitong seryoso lang na tumingin sa kanya kaya gulat siyang napatingin dito. “What??” tanong niya nang makabawi siya sa gulat. Because why would he give her a gift?? Bakit ito magsasayang ng pera para bigyan siya ng alahas? “It’s my advance welcome gift to you to our family.” Nakangiting sabi nito sa kanya ngunit kinunutan lang niya ito ng noo. “I can’t accept this—” “Or do you want a kiss instead? Pwede naman.” Anito at akmang hahalikan talaga siya nito ngunit inilagay niya ang palad niya sa bibig nito. “Fine! I’ll accept this.” Sabi na lang niya at muli nang naglakad. Tatawa tawang humabol ito sa kanya na tila aliw na aliw ito sa kanya. “Manyak talaga.” Bubulong bulong na sabi niya sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD