Chapter 4 – Maybe He’s Not Really A Pervert

1171 Words
Akala ni Ghianna ay ihahatid na siya ni Alexis pauwi ngunit nagulat na naman siya nang hilahin siya nito sa isang restaurant. “I bet you’re hungry—” “Hindi ako gutom.” Putol niya sa sasabihin pa sana ni Alexis. Sa totoo lang ay medyo nagugutom na rin siya ngunit ayaw na sana niyang matagal pang makasama si Alexis dahil hindi naman talaga niya ito kilala. Malay ba niya kung bigla na lang itong atakehin ng pagiging pervert nito? “But I am.” Anito at tuluyan na silang humanap ng pwesto nila. Umorder na ito ng pagkain nito at dahil wala na siyang choice ay umorder na lang din siya ng pagkain niya at talagang dinamihan niya pa. “Ikaw lang yata ang babaeng hindi conscious kahit marami ang kainin mo. Young girls these days are very selective of the foods that they eat. At madalas konte lang ang kinakain nila. Pero ikaw, parang di sayo uso ang diet. And to think na hindi ka pa niyan gutom ha.” Amused na pansin nito sa kanya. Siyempre hindi niya aaminin na medyo gutom na siya. Tsaka kahit naman hindi siya gutom, malakas talaga siyang kumain. At kahit malakas siyang kumain ay hindi naman siya mabilis tumaba. Maybe nasa lahi na nila iyon or baka sadyang mabilis lang ang metabolism niya. “Kumain ka na lang.” Sabi na lang niya rito na hindi tinatapunan ng tingin. Mabuti nga kung mandiri ito sa kanya at ikahiya siya para di na siya nito isamang kumain sa susunod. Pero nang iangat niya ang tingin dito ay tila natutuwa pa ito sa kanya. Plan failed. Aniya sa sarili niya at nailing na lang siya. Ok lang basta ang importante ay nabusog siya. “Bakit pala ayaw mo kay Dad para sa Mommy mo?” biglang seryosong tanong nito kaya muli siyang napatingin dito. “Ayaw ko lang mag-asawa ulit si Mom.” Diretsong sagot niya. “You mean, kahit sino ang magustuhan ng mommy mo, hindi ka pa rin boto?” “Kuha mo.” Aniya habang kumakain. “I think you should just accept their relationship. Matatanda na sila. They deserve to be happy.” Anito at muli nang kumain. Napatitig naman siya rito dahil sa sinabi nito. That makes sense. At noon lang niya iyon naisip. Siguro ang iniisip niya lang kasi lagi ay ang damdamin niya, at ang takot na magfail ang relationship ng mommy niya at ng magiging asawa nito. Siguro nga nabalewala na niya ang mararamdaman at iisipin ng mommy niya dahil gusto niya lang ipilit ang gusto niya. Hindi naman pala mababaw na tao si Alexis gaya ng una niyang impression dito. Still, di pa rin nagbabago ang tingin niyang may pagkapervert ito. Because if he was a normal person, he would never sniff her hair like that during their first meeting. “Why?” takang tanong ni Alexis na nakatingin na pala sa kanya at nahuli siyang nakatulala rito. “Wala naman.” Aniya at nagkibit-balikat pa siya. “You know what, Ghianna? Now I’m convinced na hindi ka nga kagaya ng ibang babaeng nakikilala ko. First, you didn’t give in to my seduction. Then now, I—” “Your what?? So tinitest mo lang ako kung papatulan kita??” tinaasan niya ito ng kilay. Kapal naman pala talaga ng lalaking ito. So kaya nito iyon ginawa sa kanya ay para subukan kung makikipaglandian rin siya rito?? And it’s the first time he called her by her name huh! Nagkibit-balikat ito sa kanya bago muling nagsalita. “You can say that. Pero kung ikaw mismo ang may gusto, pwede naman kitang pagbigyan.” Ok na sana eh, naiiba na ang tingin niya rito kaso mali na naman ang sinabi nito. “Shut up.” Sabi na lang niya rito. Gusto niya? Na makipag…anuhan dito? Eiww!! Malakas itong natawa sa kanya sa sinabi niya. Mukha na talaga itong may tama sa ulo kaya napailing na lang siya. Nang palabas na sila sa mall ay mabilis siyang naglalakad. Maya-maya pa ay may ilang kalalakihan mula sa kaliwa ang biglang lumiko sa harap nila kaya muntik pa siyang mabunggo ng ilan sa mga ito kundi lang naging maagap si Alexis na nahila ang braso siya. Napayakap nalang siya rito at napasubsob ang mukha niya sa matigas na dibdib nito at gulat na tiningala ito. “Hey, watch where you’re going!” inis na sita nito sa mga kalalakihang muntik nang makabangga sa kanya. Humingi naman agad ng paumanhin sa kanila ang mga iyon at mabilis nang umalis. “Are you ok?” bahagya itong yumuko at tiningnan siya. Saka lang din niya naalalang kumalas dito at nahihiyang tumango na lang siya. “Alexis, oh my, it’s really you.” Bigla na lang may sumulpot na babae sa harap nila at parang kidlat sa bilis na pumalit ito sa pwesto niya kani-kanina lang--at yon ay ang yumakap sa dibdib ni Alexis. “Precy.” Pagbibigay-pansin ni Alexis sa babae ngunit pansin niyang hindi ito nakangiti at agad ring inilayo ang babae sa katawan nito. “What brought you here, Alex?” maarteng tanong nito na tila wala yatang ibang nakikita kundi si Alexis. “I’m with my--” hindi na ni Alexis naituloy ang sasabihin nito dahil pinutol na ng babaeng biglang yumakap dito ang sasabihin nito. “New girl? I see. Anyway, if you have a free time, call me.” Anang babae na di man lang siya tiningnan at at kumindat pa kay Alexis bago umalis. “Sikat.” Nang-aasar na sabi niya kay Alexis. “She is once my, you know, fubu.” “Fubu??” takang tanong niya dahil parang hindi yata niya alam ang meaning ng word na iyon. “f**k buddy.” Natatawang sabi ni Alexis. “What?!” napatigil pa siya sa paghakbang at hinarap ito. “Yeah. It’s just normal here in Manila. I guess it’s not that common in the province.” Natatawa pa ring sabi ni Alexis. Wala sa loob na naglakad na lang siyang muli. Really?? So ibig sabihin, madali lang para sa mga tao ang makipagsex sa lugar na iyon?? Sa probinsiya kasi nila ay mahalaga ang virginity ng isang babae. Pero dito pala, parang deal lang iyon sa mga babae at lalaki na magsisiping sila kung gugustuhin nila?? Kaya ba ganoon ka bulgar ang mga kaibigan at kaklase niya? So, ibig sabihin din, normal lang kay Alexis ang bagay na iyon? At ang paglapit-lapit nito sa kanya at pag amuy-amoy sa kanya ay parang wala lang din dito iyon? Ibig sabihin, hindi pala talaga ito pervert? Kaya pala basta basta na lang din makadikit sa kanya ang mga lalaking kaklase niya lalo na sa ibang kaklase niya. “Come on little sister, ihahatid na kita.” Inakbayan na siya si Alexis habang naglalakad sila at tila nawalan na siya ng lakas para itulak ito o ang kumalas sa pagkakaakbay nito. Siguro nga ay nagiging malisyosa lang siya sa lahat ng ipinapakita ni Alexis sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD