“Is that how you thank me pagkatapos kitang ipagpaalam kina Dad?” wari ay nagtatampong sumbat ni Alexis sa kanya na nagpatigil sa paghakbang niya. “Ok, fine. Thank you Alexis.” Exaggerated ang ngiting ibinigay niya rito at pinasingkit pa niya ang mga mata niya. Nagulat na lang siya nang biglang nasa harap na pala niya si Alexis at pinaggigilan nitong kinurot ang magkabilang pisngi niya. “Ouch!!” malakas na daing niya at mahigpit na hinawakan niya ang mga kamay nito at pilit inalis sa pisngi niya. Tatawa-tawang ginulo na lang ni Alexis ang buhok niya bago ito muling nagsalita. “How is your bonding with my friend? Saan kayo nagpunta?” maya-maya ay seryosong tanong nito sa kanya pero bahagya pa ring nakangiti. “Di ba kausap mo siya kanina? Hindi ba niya sinabi sayo kung saan kami pupunt

