Kakalabas lang ni Ghianna sa school at mag-aabang na sana ng taxi nang bigla na lang may kumuha ng pansin niya. “Ghianna, right?” Napatingin siya sa lalaki at pilit inalala kung saan niya ito nakita dahil pamilyar ito sa kanya. “It’s Mory, don’t you remember me? I was at your mom’s wedding.” Nakangiting sabi nito sa kanya. “Oh…Mory. Yes, I remember you. Ano’ng ginagawa mo rito?” takang tanong niya rito na napangiti na rin. “I am meeting Alexis here. Napaaga lang ako ng konte.” Anito at napakamot sa ulo. “Ah, ganon ba? Papasok ka ba sa loob ng school? Baka kasi may klase pa siya kaya nga magtataxi na lang ako pauwi.” Aniya rito. “Change of plans. Why don’t you just join me instead?” nakangiting suhestiyon nito sa kanya. “Ha? Bakit ako? Tsaka saan naman tayo pupunta?” nagtata

