“You know how our world works, Marcus. You might be out of the context for years now since you got married, but you know how the underworld plays. Masiyado na yata akong nagiging malambot nitong mga nakaraan dahil na rin sa kapatid ko. Pero hindi ko akalaing ito ang magiging dahilan ng kapahamakan niya. Siguro kailangan ko nang ilabas ang totoong ako. Ang totoong Stan Makhalov,” matalim na nakatanaw sa kawalan si Stan habang nagsasalita. “Sa pagkakataong ito ay sang-ayon ako sa iyo. Kung gawa nga ng mga kalaban ang nangyari kay Charry, siguro ay panahon na para ipaalala natin sa kanila kung sino ang binabangga nila. Sa dami ng nakalaban mo, saan tayo magsisimula?” lalong bumibigat ang dibdib ko sa pinag-uusapan nila. Medyo sumasakit na rin iyong ulo ko kasi para silang naglalaro ng puzzle

