“Yes. Si daddy iyon. At siguradong magagalit siya kapag nakita niya ako rito. Ano’ng sasabihin ko kung bakit ako nandito? Wala pa silang alam tungkol sa atin,” nangangambang pahayag at tanong ko. Biglang parang gusto ko na lang umiyak at magtago sa ilalim nitong lamesa. “Woah! I didn’t know that the two most influential businessmen in the country are here! Hello, Mr. Aguilar and Mr. Ty. I didn’t expect to see you here!” bati noong pinakamatanda sa mga dumating. Tumayo sina Charles at Marcus para harapin ang mga bagong dating. Pormal at malamig ang mga awra nila, at kung hindi mo sila kilala ay matatakot ka talaga. “Do I know you? It seems like you knew me very well,” tanong ni Charles doon sa nagsalita kanina. Nasa kanila ang atensiyon noong mga naririto kaya hindi pa nila kami napap

