“I don’t like it slow. Gusto ko laging mabilis!” nakangising tugon niya sa akin. Buwisit! Pati iyong accent niya ‘pag nagtagalog, ang sexy. Pero bakit gano’n iyong ngiti niya, parang may kakaibang kahulugan?
“Bakit mo nga ako dadalhin sa bahay mo? Saka gabi na, hindi na saklaw ng trabaho ko ang pagpunta sa bahay mo,” patuloy kong angil sa kaniya. Nagulat na naman ako nang bigla siyang tumawa nang mahina. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Baliw naman yata itong lalaking ito. Bigla tuloy akong natakot. Hindi kaya psycho siya? Hindi ba sa mga palabas, eh, magaganda ang hitsura ng mga psycho? Mapababae man o lalaki, karaniwan gano’n, eh.
“Because I can. And I want to,” nasa daan lang ang paningin niya habang sinasabi ang mga iyon. Lalo naman akong naguluhan dahil hindi ko alam kung ano’ng ibig niyang sabihin sa kaniyang binanggit.
Nagpasiya na lang akong manahimik dahil pakiramdam ko ay wala naman akong makukuhang matinong sagot mula sa lalaking ito. Huwag lang siyang loloko-loko sa akin dahil female fighter ako. Magaling ako sa martial arts kaya umayos siya!
Sobra akong namangha nang pasukin namin ang isang maluwang na bakuran. Literal na napakaluwang noon. Iyong entrance mismo ay may napakagandang garden. Ang mga halaman ay halatang na-trim para sa mga hugis at desinyong meron ang mga ito ngayon.
Lalong lumuwa ang mga mata ko nang huminto kami sa harap ng isang malapalasyong bahay. Puting-puti ang bahay na parang kastilyo talaga dahil may ilang palapag ito at halatang maraming silid.
“Ito ang bahay mo?” halos hindi na lumabas sa bibig ko iyon dahil sa sobrang hina. Marami na akong nakitang magaganda at malalaking bahay, pero grabe naman ang isang ito. Kakaiba ang disenyo nito at maging ang mga gilid ng istruktura ay may magagandang korte. Kulay asul ang mga salaming dingding na bumagay sa kulay puting pintura.
“Let’s get inside. I already asked the chefs to prepare dinner for us,” sabi lang niya at bumaba na ng sasakyan. Ang akala ko ay ipagbubukas niya ako ng pintuan pero dumiretso lang siya sa may entrance. Tinapunan ko nang masamang tingin ang likuran niya saka padabog na bumaba.
Nagulat pa siya nang pabagsak kong isara ang pintuan ng sasakyan. Kinabahan din ako roon. Kasi paano na lang kung nasira? Eh, di may babayaran pa ako? Kakainis lang kasi itong lalaking ito, wala man lang pagka-gentleman sa katawan.
“Why did you do that?” seryosong tanong niya. Sobrang seryoso kaya iyong inis ko ay nauwi sa kaba.
“Because you’re not gentleman at all! How could you not open the door for me?” panunumbat ko. Saglit siyang natigilan at tumitig sa akin.
“I’ve never done that to anybody before. And why should I open the door for you? Are you invalid?” napanganga ako sa sagot niya. Seryoso ba siya? O baka naman hindi siya naturuan ng good manners at proper way of treating women?
“Ewan ko sa iyo!” pairap kong tugon saka nagmamartsang tumungo sa may pintuan. Sumunod naman siya sa akin.
May pinindot siyang password at doon bumukas iyong bahay. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil biglang nawala iyong mga tauhan niya.
“Nasaan na iyong mga tauhan mo?” natanong ko habang nililingon iyong daang dinaanan namin kanina.
“Why are you asking?” marahas akong napatingin sa kaniya. Bakit ba lahat ng tanong ko sa kaniya, imbes na sagutin nagtatanong din? Masisiraan yata talaga ako ng ulo sa lalaking ito.
“Eh, siyempre, nagulat lang akong bigla na lang silang nawala. Masama ba’ng magtanong? Ang attitude mo!” hindi na napigilang mahaluan ng sarkasmo ang pananalita ko. Kakainis kasi siya.
“They have their own house here and they will soon be roaming around to guard the whole place,” paliwanag niya saka tuluyang binuksan ang pintuan at pumasok. Sumunod naman ako sa kaniya.
Halos malula ako sa luwang nang loob. Iyong lounging area lang nila ay parang lobby na ng isang malaking hotel. Dalawang sets ng sofa ang naroroon, at bawat bahagi ay pinapagana ng remote control.
Sa bandang gitna ay may elevator habang sa dalawang gilid nito ay parehong may escalator pataas at pababa. Panay mala-higanteng mga chandelier rin ang nasa kisame at puro light colors lang ang makikita. Bahay ba talaga ito o mall? Grabe naman, ang laki talaga. Siguradong maraming maids ang kailangan para ma-maintain ang ganito kaengrande at mala-palasyong mansion. Pati mga vase at decorative display ay halatang napakamamahal.
Pero ang umagaw ng pansin ko ay iyong isang salamin na estante kung saan may mga naka-display na iba’t ibang hugis at laki ng samurai ba ang mga iyon o espada? Tapos sa ilalim ay may isang kulay gold na dragon kung saan sa magkabilang gilid ay may dalawang baril na kakaiba ang korte.
“Are you done examining my place?”
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. Nang lingunin ko siya ay mukha siyang naaaliw habang nakatingin sa akin. Bakit ganiyan siya makatingin? Mukha ba akong clown? O mukha lang talaga akong ignoranteng ewan? May kaya rin naman kami sa buhay, at marami na rin akong nakasalamuhang mayayaman at maiimpluwensiyang mga tao sa buhay ko. Pero ngayon lang talaga ako nakikita ng ganitong klase ng bahay.
“Gold plated lang ba iyon o totoong gold?” manghang tanong ko sa kaniya habang itinuturo iyong dragon na nasa istante. Mahina siyang tumawa at lumapit sa itinuturo ko. Sumunod naman ako, at lalong namangha nang makita iyon sa malapitan.
“Yes. It’s pure gold. And its eyes are rubies. And the other decorations in its body are real diamonds and expensive gems,” kibit-balikat niyang tugon. Lalo akong napatitig doon. Grabe, eh,. di sobrang mahal niyan? Kahit iyan lang makuha ng magnanakaw dito, tiba-tiba na siya. Pero paano naman kaya makakapasok ang magnanakaw dito kung ganito kahigpit ang seguridad?
“By the way, why did you bring me here?” naalala kong tanungin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako dinala rito. Sukdulang tinakot-takot pa niya ng husto si Alex kanina.
Hindi siya sumagot agad at pirme lang na nakatitig sa akin. Dahil napaka-indimidating ng tingin na iyon ay ako ang kusang sumuko at nag-iwas ng tingin.
“Let’s eat first. I’m hungry,” pabalewala niyang sagot saka ako tinalikuran at lumakad palayo. Napatanga naman ako at hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan.
Naramdaman yata niyang hindi ako sumusunod kaya huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Doon naman ako kinabahan lalo na nang kunot ang noo niya akong tiningnan. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba, kaya wala sa sariling lumapit na ako sa kinaroroonan niya.
Nang makalapit na ako sa kaniya ay ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang bigla niyang hapitin ang baywang ko at mabilisan akong isinandal sa pader. Sobrang bilis ng mga pangyayari kaya hindi agad ako nakagalaw. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nakalapat na ang mga labi niya sa mga labi ko.
Lubhang nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang mga tuhod ko. Hindi ko alam ang gagawin. This is my first kiss. I am a nerdy and all I did with my life was to study and study. Kahit marami ang nanliligaw sa akin mula pa noong high school, never pa talaga akong nagka-boyfriend. Kaya bagong-bago sa akin ang ginagawa ng lalaking ito. Pati iyong pakiramdam, kakaiba.
“Open your mouth, little fairy,” bulong niya. Napasinghap ako at wala sa sariling sinunod ang sinabi niya. Dahil doon ay ipinasok niya ang dila niya sa bibig ko. Iyon na rin ang naging hudyat para tuluyan akong mapapikit. Kakaibang damdamin ang binubuhay sa akin ng halik na ito.
Kung ibang pagkakataon lang ito, kanina ko pa siya itinulak at sinampal. O baka mas higit pa. Kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagpapaubaya ako sa ginagawa niya, at para pa nga akong nalalasing. Bawat hagod ng labi niya ay lalong nagpapadaloy ng kakaibang init sa katawan ko.
“Hmmn,” I hummed when he sucked my lower lip and intensely kissed me again. Unti-unti na ring gumagalaw ang mga labi ko at ginagaya ang ginagawa niya. Isang mahina ngunit may bangis na ungol ang narinig ko mula sa kaniya nang masundan ko ang tamang pagtugon sa halik niya.
Nagulat pa ako nang bigla niya akong buhatin at dalhin ang dalawang hita ko papulupot sa baywang niya. Lalong dumiin ang halik niya at lalo akong nawala sa sarili nang makipaglaro ang dila niya sa dila ko. Hindi ko akalaing ganito pala kasarap ang mahalikann o makipaghalikan.
Pero napabitaw ako sa halikan namin nang bigla niyang idiin ang matigas niyang bagay sa aking p********e. Napadaing ako kasabay ng isang singhap dahil kakaibang kilabot ang gumapang sa kaibuturan ko.
“I can already take you here, but I won’t do that yet. You will have a severe punishment if you let me wait again. I hate being defied. Always remember that,” sensuwal niyang pahayag, saka ako dahan-dahang ibinaba. Bumigay agad ang tuhod ko at hindi ko rin maramdaman ang mga paa ko. Lango pa rin ako sa nangyari kanina. Bigla na lang kasing natapos iyon kaya parang hindi pa ako handa.
“Will you do it more?” maging ako ay nagtaka sa sarili ko nang lumabas iyon mula sa bibig ko. Kita ko naman ang gulat niya ngunit napalitan din ng makahulugang ngisi.
“What?” mahinang tanong niya at hinaplos-haplos pa ang pisngi ko.
“Kiss me, again…”