“Stan?” paanas kong sambit at tila tuluyan nang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang ngumiti siya at tumango. f**k, s**t! Ang guwapo!
“Sino ka?”
Tila nagising ako mula sa isang magandang panaginip nang biglang marinig ang boses ni Alex. Halatang may bahid ng galit at pagtataka ang boses niya. Tinulungan ako ni Stan na makatayo nang maayos ngunit hindi niya binitiwan ang baywang ko. Inayos ko ang buhok ko na bahagyang nagulo saka muling lumunok. Hanggang ngayon ay ayaw kumalma nang naghuhuramentadong puso ko.
“And who are you?” nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang dominanteng tanong ni Stan. Dumoble tuloy ang kaba sa dibdib ko. Sa laki niyang ito ay kayang-kaya niyang tirisin itong si Alex ng walang kahirap-hirap.
“Ah, hi! Sir, siya nga pala si Doc Alex. Kasama ko siya sa trabaho,” ako na ang sumagot at bahagyang umabante para pumagitna sa kanilang dalawang.
At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang pareho silang nagpapalitan nang masamang tingin. Ano’ng problema ng dalawang ito?
“She’s coming with me! I have an important matter to discuss with her,” masungit na tugon ni Stan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilig doon. Pero pinigilan ko ang sariling maipakita iyon. Umaandar na naman ang pagka-assuming ko. Alam ko naman na ang kaso lang ng kapatid niya ang gusto niyang pag-usapan namin.
“No, we have a dinner tonight. It was planned first, so maybe you can talk to her some other time,” palaban namang sagot ni Alex. Nagdilim ang mukha ni Stan kaya parang ako pa talaga iyong natakot para kay Alex.
Feeling ko kapag nagalit itong si Stan, eh, baka isang pitik lang niya dito kay Alex ay babaliktad na sa kinatatayuan niya. Sa laki ba naman ng katawan niya? Tapos ang tangkad pa, naku maghunos-dili ka Alex! Sigaw ng isip ko.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang hindi pansinin ni Stan si Alex at ako ang hinarap nito. Mahigpit niyang hinawakan ang isang kamay ko kaya muli akong napasinghap. Ang init ng kamay niya. Iyong klase ng init na nakaka-comfort.
“Let’s go,” malambing niyang yaya sa akin, kaya muli na namang nagwala ang puso ko. Bakit ba ganito kalakas ang dating niya sa akin? Tila ba may sariling isip ang katawan at puso ko na kusa na lang susunod sa kaniya.
“Wait!” hindi pa ako nakakasagot ay muling nagsalita si Alex kaya napatingin ako sa kaniya. “Hindi mo ba ako narinig? May lakad kami, kaya sa ibang araw na lang kayo mag-usap!”
Akmang kukunin ni Alex ang isang kamay ko dahil hawak ni Stan iyong isa, nang bigla akong itago ni Stan sa likod niya.
“Back off! I don’t need your permission to take her. This is the last time I will talk to you. The next time you speak you will be crawling with blood all over your body!” pagbabanta ni Stan, na kahit ako mismo ay nahintakutan at napanganga.
Sinilip ko si Alex at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Bakas na rin ang pagbalatay ng matinding takot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkadismaya. Ang yabang magsalita, duwag naman pala. Paano na lang pala kung mabastos ako ng lalaking mas malaki at mas malakas sa kaniya? Iiwan na lang pala niya ako, gano’n? How disappointing!
Sa huli ay walang nagawa pa si Alex nang hilahin na ako ni Stan papunta sa kaniyang sasakyan. Muli ay halos lumuwa na ang mga mata ko nang makita ang kaniyang sasakyan. Sa hitsura pa lang nito ay halatang mamahalin na. Grabe, sa Fast and Furious na pelikula ko lang nakikita iyong mga ganitong sasakyan. Lalo tuloy akong naiintriga kung anong klaseng tao itong si Stan.
Kung papansinin mo ang balat niya makinis lalo na sa mukha, kahit may maiigsi siyang balbas na bumagay naman sa kaniya. Tapos iyong mga kamay niya, medyo maugat pero ang kintab. Halatang mula pagkabata ay hindi nahirapan sa buhay ang taong ito.
Inalalayan niya akong makapasok sa sasakyan, bago niya tinungo ang driver’s seat. Kita ko ring sabay-sabay na sumakay sa apat pang nakaantabay na SUVs iyong mga naka-Amerikana niyang kasama.
“Bodyguards mo ba lahat iyan?” hindi ko napigilang matanong nang buhayin na niya ang makina.
“Yes,” tipid niyang tanong.
“Ang dami naman. Prinsipe ka ba sa bansa ni’yo? Kasi sure akong hindi ka Pinoy, base sa itsura mo at sa accent mo kapag nagsasalita. So bakit ang dami mong bodyguards, saka–
“Shut up! You can speak later when we arrived at my house,” putol niya sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng inis sa pagtrato niya sa akin. At hindi ako sanay na basta na lang ako pinatatahimik ng mga lalaki kapag nagsasalita.
“Well, bigla mo na lang akong kinuha sa dinner date ko pagkatapos–
“Date? You’re dating a loser like that? I thought you are better than that. But I guess I was wrong!” umiiling siya noong muli niya akong pinutol sa pagsasalita. Pero lalong kumulo ang dugo ko dahil sa pagkainsulto sa sinabi niya.
“It’s not a date! Namali lang ako ng sabi. At kahit date pa iyon, wala kang pakialam! Saka saan mo ba ako dadalhin?” galit kong asik sa kaniya. Kunot-noo niya akong tiningnan. Nagulat yata sa biglang pagtaas ng boses ko. Well, sorry siya, galit na rin ako. Bigla na lang siyang nanghihila kung saan tapos sasabihan ako ng gano’n? Neknek niya kahit pogi pa siya!
“I’m taking you to my home!” simpleng tugon niya at lalo pang binilisan ang pagmamaneho kaya muntik na akong mapasigaw sa takot. Lintek, bakit ba hindi ko kasi agad ikinabit muna itong seatbelt bago dumaldal? Muntik na tuloy akong masubsob.
“Puwede ba, bagalan mo lang?! Kung gusto mong magpakamatay, huwag na huwag mo akong idamay!” napakabilis magpatakbo. Akala mo nakikipaghabulan kay kamatayan. Hindi pa nga ako nakakatikim ng ‘ano’ mamamatay na ako? Ayaw ko kayang mamatay na virgin!
“I don’t like it slow. Gusto ko laging mabilis!” nakangising tugon niya sa akin. Buwisit! Pati iyong accent niya ‘pag nagtagalog, ang sexy. Pero bakit gano’n iyong ngiti niya, parang may kakaibang kahulugan?
Hi guys,
Salamat po sa pag-follow ni'yo sa akin. Kung gusto ni'yo pong basahin iyong mga naunang parts nitong series ni Stan, ito po ang pagkakasunod-sunod:
1. A Billionaire's Dark Obsession (Charles & Kristine)
2. In Between Hells (Marcus & Ashnea)
3. Chasing Mr. Congressman: Book 1 (Sander & Coleen)
Book 2: CEO's Destine Fate (Drake & Zynia)
4. Taming Boss Stan (Stan & Ryza)
May Free and Completed din po:
Riot Men Series #21: Desired by the Billionaire Heir.
English Stories:
1. Her Ruthless Alpha (Completed)
2. The Innocent Desire (Ongoing)
HAPPY READING PO!!!