“Stan? Stan Makhalov?” pabulalas na tanong naman ni Marco. Pero sa halip na sagutin ay tiningnan siya ng matalim ni Stan. Tiim din ang bagang nito at nakakuyom ang mga kamao. s**t! “What are you doing in her car?” paasik na tanong ni Stan kay Marco. Pero napalunok ako at nanlaki ang mga mata ng ngisian siya ni Marco. Abot-abot ang kaba ko at halos ayaw ko na talagang huminga. Kakaibang galit kasi ang nakikita ko sa mga mata ni Stan kaya parang gustong manlambot ng mga tuhod ko. “Why? What’s wrong with that?” nakangisi pa ring tanong ni Marco. Parang hindi man lang naapektuhan sa pagsusungit ni Stan sa kaniya. Pero nahigit ko ang hininga ko nang biglang kuwelyuhan ni Stan si Marco. At bago ko pa man mahulaan ang susunod na mangyayari ay mabilis nang pinadapuan ni Stan ng suntok ang mukha

