Chapter 7 PART 3

1030 Words

Naging tahimik lang ang buong biyahe namin. Tila maging ang tamang paghinga ay nakalimutan ko na ring gawin dahil sa takot na nararamdaman ko. Ramdam ko ang panaka-nakang paglingon niya sa akin. Pero nanatili akong nakatingin sa labas. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko. Lalo pa ngang nakadagdag iyong buga ng malamig na hangin mula sa aircon ng sasakyan. Hanggang sa marating namin ang aking condo ay walang nangahas na magsalita sa amin. Patagilid ko siyang tiningnan kasi gusto ko na sanang buksan ang pintuan sa tabi ko kaya lang hindi pa naman niya iyon na-on. “Are you afraid of me, Raiza?” mahinang tanong niya. Napalunok ako at lakas-loob na sinalubong ang kaniyang tingin. Hindi ko mabasa ang emosyong naroon pero bakas ang lungkot at labis na sakit. “Should I be?” pausal kong tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD