May ilang segundong natigilan ako sa mga sinabi niya. Aaminin kong bahagya akong kinabahan at nakaramdam ng kahungkagan ngunit bumalik sa akin ang lahat ng sinabi ni Marcus bago kami nagkahiwalay. Pagkatiwalaan ko siya at sa kaniya lang ako dapat maniwala. At kahit ano pa’ng marinig ko, mapanood o mabasa ay huwag akong basta-basta maniniwala kung hindi naman manggagaling sa kaniya. “At sa palagay mo maniniwala ako sa iyo?” buong tapang na pambabara ko sa kaniya. Kita ko ang saglit na pagkabalisa sa mga mata niya ngunit agad niya itong naitago. “Malakas talaga ang loob ng mga kabit. Sila na nga ang mang-aagaw, sila pa iyong matatapang!” angil niya. Ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. Nabubuwisit lang ako dahil ayaw pa akong bitiwan nitong mga tauhan niya. Maghintay lang kayo at isusumb

