“Ready ka na ba? Bukas na tayo magdi-dinner sa bahay at ipapakilala na kita sa kanila,” nakangiting wika ko habang tinutulungan siyang ayusin ang necktie niya. May board meeting siya ngayon dahil narito iyong mga bagong investors para sa mga bagong projects ngayong taon. “I am always ready. You know that!” saad niya at mabilis akong hinalikan sa mga labi. Isang matamis na ngiti lang ang itinugon ko sa kaniya bago siya tuluyang lumabas ng opisina. Inuna kong silipin ang ma urgent e-mails niya para ready na mamaya pagbalik niya. Halos dalawang oras din ang itinagal ko sa pagsasalansan ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan mamaya. Medyo nangangawit na ang likod ko na kanina pa nakaupo sa harap ng monitor kaya tumayo muna ako saglit at nag-inat nang konti. Napadak

