Isang maliit na ice cream shop ang pinasukan namin. Magkakaibang flavor sa isang bowl ang inorder ko habang siya ay napilitang kumuha ng vanilla flavor. Hindi raw kasi siya mahilig sa matatamis at parang sumasakit daw ang lalamunan niya kapag nakakakain ng matamis. Hindi na ako umangal noong iyong pinakamaliit na cup ang kinuha niya. Nakakatawa lang tingnan kasi parang laruan lang iyong cup sa malaki niyang kamay. “Bakit nga pala ang galing mo roon sa mga target games kanina? Lagi ka bang naglalaro ng mga gano’n o member ka no’ng mga mahilig sa firing sports?” maya-maya ay tanong ko habang kinakain ang ice cream ko. Bahagya pa itong lumapit sa akin bago sumagot kaya nagtaka tuloy ako. “Magaling talaga ako sa lahat ng klase ng shooting games. Kahit anong shooting pa

