“Sa isla po, mommy, daddy,” mahinang usal ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang sariling makapagbitiw ng hindi magandang salita. “Sa totoo lang po hindi kami okay ni Marco ngayon kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya,” nagtatagis ang mga ngiping dagdag ko. Direkta akong nakatingin kay Marco habang sinasabi iyon. Kita ko ang paglambong ng mga mata niya. Ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya na biglang nagpa-guilty sa akin. Natahimik ang lahat sa sinabi ko at ngayon ko na nararamdamang naging awkward na ang lahat. Maging ang mga magulang ko ay tila hindi alam kung ano’ng susunod na sasabihin. Halos sabay pang bumuntong-hininga ang mommy at daddy ko. “Normal lang naman sa magkarelasiyon ang magkaproblema,” maya-maya ay basag ni daddy sa katah

