“Saan ba tayo pupunta?” hindi ko mapigilang tanong dahil sa magagandang tanawing nadadaanan namin habang binabagtas ang daan. Isang lingon ang ipinukol niya sa akin saka ngumiti nang makahulugan. “It’s a surprise, baby,” aniya at wala nang sinabing iba. Napalabi tuloy ako dahil sa matinding excitement. Kahit ilang beses ko pa siyang pilitin ay hindi talaga niya sinabi. Halos dalawang oras na kaming nagbibiyahe at nakararamdam na ako ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos noong nagdaang gabi dahil sa biglang pagbisita ni Marco. “Siya nga pala, nagpunta si Marco sa bahay namin kagabi,” pagtatapat ko, at halos masubsob na ako dahil sa biglang paghinto ng sasakyan. Marahas siyang lumingon sa akin na madilim ang mukha. “What? Ano’ng ginawa niya roon? May ginawa ba siya sa iyo?” tiim an

