“Fiancé? Nagkaroon po kayo ng relasyon ng daddy ni Marcus?” halos hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko alam kung ilang beses kong nahigit ang mga paghinga ko dahil sa rebelasyon ni mommy. “Oo, anak. Siya ang first love ko. Ang lalaking inakala kong magiging katuwang ko habang buhay ngunit pinaglaruan lang pala ako,” malungkot na tugon ni mommy. Kita ko ang mabilis na pagbutil ng luha sa mga mata niya. Hindi ko akalaing may ganito siyang nakaraan. Ang buong akala namin ay si daddy lang ang naging boyfriend niya hanggang sa magpakasal sila. “Paano po nangyari iyon?” halos pabulong na usisa ko. Parang napakaliit naman ng mundo para sa aming lahat. Pero dahil parehong taga-Camiguin sina mommy at daddy, gayun din ang pamilya ni Marcus, hindi nga imposibleng may ganitong pangyayari sa mga

