Back to present time… Ashnea’s POV Palihim akong inihatid ni Marcus sa airport kung saan naroon ang private plane na sasakyan ko pauwi. Hindi ko lubos maisip kung paano ko na-survive iyong nangyari kahapon. Nawalan ng malay si Marcus habang papaakyat daw ito sa kuwarto kaya agad siyang itinakbo sa ospital. Hindi ako pinayagang sumama. Kaya sa buong panahon ng pag-aabang ng resulta ay umiiyak ako dahil sa matinding pag-aalala. Bandang hapon na nang makabalik si Marcus at nakangiti ito sa akin na parang walang nangyari. Hindi siya nagpaliwanag, bagkus ay sinabi nito na dahil lang daw sa pagod at puyat ang nangyari sa kanya. Matikas at malakas siya kaya imposible namang mawalan siya ng malay ng gano’n-gano’n lang. Ngunit kahit anong pamimilit ko sa kanya ay wala akong nakuhang anumang sagot

