Maingat niya akong ibinaba sa malaki at eleganteng sofa sa living room. “Nasaan tayo? Bakit mo ako dinala rito?” paasik na tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyong bumabalatay sa mukha niya ngayon. “Ano’ng ginagawa ni’yo ni Marco kanina? Kung hindi pa ako dumating hahayaan mo lang ba siyang halikan ka? Tapos ano…ano pa ang susunod do’n? Mas malalim pa ba roon ang gagawin ni’yo?” mas galit na siya at mas malakas ang boses habang sunod-sunod ang kanyang pagtatanong. Lalong nagngitngit ang kalooban ko kaya kahit nahihilo at halos mawalan ako ng balanse ay nagawa ko pa ring tumayo at sampalin siya. Nabigla siya sa ginawa ko. Ngunit hindi pa ako nakukuntento at isinunod ko naman ang isa pang palad ko at pinadapo ko ito sa kabilang niyang pisngi. “Ang k

