Chapter 4 The Condition

1842 Words
Binuksan nito ang pintuan at hinintay muna akong makapasok bago siya sumunod sa akin. Napapitlag pa ako nang marinig ang pag-click nang pintuan nang i-lock niya ito. Bumaha na naman ang takot sa puso ko dahil pakiramdam ko pumasok ako sa lugar ng kapahamakan ko. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang bigla itong magsalita. “Are you okay? You look scared? Ano ba’ng iniisip mo?” malamig na tanong nito. Tumingin ako sa mukha niya na seryosong nakatitig sa akin. Nakahalukipkip rin siya kaya kahit paano ay bahagyang natakpan ang maganda at malapad niyang dibdib na gumugulo sa sistema ko kanina pa. Parang ang sarap kasing sumandal doon. Lintik ka, Ashnea umayos ka! Maaaring may masamang mangyari na sa iyo ngayon puro kaharutan pa iyang laman ng isip mo! Saway ng maliit na bahagi ng utak ko kaya tumikhim ako at inayos ang tindig ko bago sumagot. “Puwede mo ba akong tulungang makabalik sa amin? Medyo madilim na kaya siguradong nag-aalala na sila sa akin,” mahinhing pakiusap ko sa kaniya. Hindi ito sumagot at mataman lang na nakatingin sa akin. Ano ba yang titig niya kasi na ‘yan kanina pa. Para akong natutunaw sa mga titig niya kaya hindi tuloy ako makapag-isip nang maayos. “Ano namang kabayaran kapag tinulungan kita?” mapanghamong tanong niya? Kabayaran? Dapat ba may bayad ang tulong niya bago niya gawin? Grabe naman! Akala ko gentleman siya dahil ang pogi-pogi niya! Dito mo talaga mapapatunayan iyong kasabihang don’t judge a book by its cover. “A-ano’ng kabayaran ba ang gusto mo? I mean, kung pera lang huwag kang mag-alala, mayaman ang lolo ko kaya kahit magkano ang hingiin mo siguradong ibibigay niya!” kinakabahang sagot ko. Pinilit ko ring haluan ng ngiti ang pagsasalita ko na nauwi sa ngiwi dahil bigla siyang ngumisi nang nakakaloko. Ang hot naman ng ngiting iyon! Ay wait! Ashnea umayos ka sabi eh! Pigil ko sa sarili. Humakbang ito papalapit sa akin kaya kinabahan ako. Nainsulto ba siya sa sinabi kong babayaran siya ni lolo kapag tinulungan niya ako? Siya naman kasi naunang nagtanong ng bayad eh. Huminto siya sa harap ko nang ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa’t isa. Yumuko siya para tapatan ang mukha ko kaya naamoy ko agad iyong mabango niyang hininga. Napalunok ako dahil parang ang sarap halikan ng mga labi niya. s**t! Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako nabagok kaninang nahulog ako pero pakiramdam ko naalog yata ang utak ko. “I already have enough money, so that is not the payment that I want!” paanas niyang sabi at umangat pa ang kanang kamay niya na inihaplos niya sa pisngi ko. Napasinghap ako sa mainit na kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil lang sa simpleng haplos na iyon. Pinigil ko ang sariling mapaungol nang padaanin niya sa mga labi ko ang hinlalaki niya habang nakatitig sa mga labi ko. “K-kung gayon, a-ano ang gusto mong k-kapalit?” f**k! Bakit ba ako nauutal? Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko at kapag hindi pa siya dumistansiya sa akin ay siguradong bibigay na ang mga ito. “Ikaw! Ikaw ang gusto kong kapalit,” malambing na saad nito kaya napanganga ako. Nanlaki rin ang mga mata ko at lalong nagulo ang isip ko. Hindi rin nakatulong ang mabilis na pagtambol ng puso ko kaya lalong bumilis ang paghinga ko. “A-ako? B-bakit ako?” halos paungol na bulalas ko dahil nakikiliti ako habang pinaglalaro niya ang daliri niya sa pisngi ko. Kakaibang init ang hatid noon sa katawan ko na kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman sa kahit kaninong lalaki dati. “I want to kiss you now!” paanas nitong sabi. At bago pa man ako nakasagot ay bihag na niya ang mga labi ko. Nanigas ang buong katawan ko nang magsimulang gumalaw ang mga labi niyang nakadikit sa mga labi ko. Banayad at mapang-akit ang halik na iyon na tila hinihikayat akong tumugon. Napatingin ako sa kaniya at nakapikit lang ito habang patuloy akong hinahalikan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang sariling tumutugon sa mga halik niya. This is not my first kiss kaya kahit paano ay marunong naman akong humalik. Isang beses pa lang akong nagka-boyfiend noong college. Tumagal kami ng halos tatlong taon pero naghiwalay din dahil hindi niya ako mapilit na makipag-s*x sa kaniya. Hanggang halikan lang kami at konting petting. Pero iyong mas malalim doon ay walang namagitan sa amin. Kaya nagtataka ako kung bakit ako napapayag ng lalaking ito na makipaghalikan sa kaniya gayung ni hindi ko nga siya kilala. Dahil sa pagkakaalala ko nito ay nagdilat ako ng mga mata at sinubukang pigilan siya sa ginagawa. Pero sa halip na huminto ay kinabig niya ako palapit sa kaniya sa pamamagitan nang paghapit sa baywang ko. Tuluyan na akong nalunod sa mga halik niya nang tagumpay na makapasok ang dila niya sa bibig ko. Isang ungol ang kumawala sa akin nang sipsipin niya ang dila ko. Napakapit pa ako sa matitipuno niyang balikat dahil sa kapusukan ng mga halik niya. Ilang ulit din niyang magaang kinakagat-kagat ang mga labi ko na wari ay nanggigigil. Lalo naman itong nagpapainit sa kaibuturan ko kahit hanggang sa maubos na ang hangin sa baga ko at kailangan ko na talagang kumawala sa kaniya. Hingal na hingal kaming dalawa nang maghiwalay ang aming mga labi. Nakatitig lang siya sa mukha ko na ang mga mata ay nagdidilim na sa matinding pagnanasa? “God! You kissed so good!” bulong niya at kinintalan ako ng isang malalim na halik bago pinakawalan. Halos bumagsak ako nang bitiwan niya ang baywang ko pero mabilis lang din niya akong nasalo. Totoong nanginginig na ang mga tuhod ko. Halik pa lang iyon, ah! “Ano’ng p-pangalan mo?” garalgal ang boses na tanong ko. Hanep! Naghalikan na kami kahit hindi pa nga namin alam ang pangalan ng isa’t isa. “Give me your name first!” sagot naman nito. Napakunot ang noo ko dahil sa mapaglarong mga ngiti sa mga labi niya. Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin? Para akong namamatanda na ewan dahil sa kaniya. Parang hindi gumagana nang tama ang utak ko dahil sa mga paninitig niya. “Ako ang unang nagtanong,” katuwiran ko. But he only chuckled at pinisil pa ang ilong ko. “Cute! Pero ikaw ang may kailangan sa akin kaya dapat mauna kang magpakilala,” parang walang anumang kontra nito. Napabuga ako ng hangin. Kakaiba rin talaga itong lalaking ito. Masiyadong pa-hard to get porke masarap siya – este magandang lalaki siya. “Fine! I am Ashnea Emerald Ramirez. Ikaw?” walang kagatol-gatol na tugon ko. Kumibot pa ang kilay niya nang marinig ang pangalan ko at lalong ngumiti. Lalo pa siyang gumuwapo sa pagngiti niya. Mahabaging langit ilayo ni’yo po ako sa tukso! “I’m Marco. Marco Aguilar and I am the owner of this place. Alam mo bang restricted area ang lugar na ito? Walang ibang nakapapasok dito nang walang pahintulot ko, unless gusto na nilang mamatay,” suwabeng sagot nito. Pero lahat ng matinding takot ko kanina ay nadoble dahil sa huling sinabi niya. Mamatay? Papatayin ba niya ako dahil trespassing ako? Hindi ko naman sinasadyang mapunta rito saka wala naman akong nakitang karatula na bawal pa lang pumunta rito. Nakahalik naman na siya sa akin kaya baka puwedeng absuwelto na ako kay kamatayan, ‘di ba? “Dahil sa disgrasiya ang pagkakapunta ko rito. Hindi ko sinasadya. Kung ayaw mo akong ihatid pabalik sa amin, pahiramin mo na lang ako ng cellphone para makatawag ako sa bahay namin at magpasundo rito,” pakiusap ko sa kaniya. Itinagilid nito ang ulo niya at nakangising muling tumingin sa akin. “Walang signal sa bahaging ito ng kagubatan. At delikado na rin ang lumabas kapag gabi dahil maraming nagpapagala-galang mababangis na hayop dito. Masuwerte ka nga at hindi ka nakatagpo ng isa. Dahil kung sakali baka nagkagutay-gutay ka na ngayon. Sayang naman ang kagandahan at kaseksihan mo kung isang lobo o baboy ramo lang ang kakain sa iyo,” nakangising pahayag niya. At dahil sa sinabi niya ay lalong sinagilihan ng takot ang dibdib ko. Pakiwari ko nga ay lalo pang nanikip ang dibdib ko. Ang ibig bang sabihin nito ay kailangang dito ako magpalipas ng magdamag? Pero paano sila sa bahay? Siguradong mag-aalala sila sa akin. Sure din akong hahanapin nila ako at kapag nakita nila iyong bike ko siguradong mahahanap nila ako rito. Pero paano kung mapahamak sila dahil sa paghahanap sa akin? Mas natakot ako sa bagay na iyon. Mas nakatatakot ang isiping may mapapahamak dahil lang sa akin. Kung nakinig lang sana talaga ako eh! “Puwede bang makitulog dito kahit ngayon gabi lang? Natatakot na rin kasi akong lumabas baka kung ano pa’ng mangyari sa akin,” mahinang tanong ko na may halong pakiusap. Saglit itong tumigil na tila nag-iisip. Bakit pa siya nag-iisip? Nagdadalawang isip ba siyang patuluyin ako? Naku huwag naman sana niya akong itaboy dahil siguradong hindi ko kakayanin lalo at mukhang masama pa ang panahon dahil nagsisimula nang umambon sa llabas. Salamin ang mga dingding nitong bahay kaya kita agad ang mga patak ng ulan sa labas. “I don’t really know you. What if masama ka pa lang tao at may gawin kang masama sa akin habang natutulog ako?” seryosong sabi nito kaya napamaang ako. Wow lang ha? Sarap na sarap nga siyang halikan ako kanina tapos masamang tao na ako ngayon? “Hindi ako masamang tao, ‘no!” angil ko sa kaniya. Sabi niya maganda ako tapos ngayon pag-iisipan niya ako nang masama? Ikaw nga sabi mo kanina baka serial killer siya. Paalala ng isip ko. Ang judgemental ko kasi kanina. Karma na yata ito. Pero kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa sa kaniya ay gagawin ko huwag lang niya akong palayasin ngayong gabi. “Paano ako makakasigurong hindi ka nga masamang tao?” mapanghamong tanong nito. Paano nga ba? “Hindi ko rin alam kung paano. Pero nakikiusap ako sa iyo, patuluyin mo na ako kahit ngayong gabi lang. Bukas na bukas ay aalis na rin ako agad at hindi na kita aabalahin. Ako na lang ang maghahanap ng daan pabalik!” samo ko sa kaniya. Bahagyang tumaas ang kilay nito sa sinabi ko bago bumuntong-hininga. Halos ayaw ko nang huminga dahil sa kaba habang inaantay ang isasagot niya. Please Lord! Haplusin mo ang puso ng lalaking ito para huwag niya akong pabayaang makain ng mabangis na hayop sa labas. Please lang po! Patuloy na sigaw ng isip ko. “Alright, then. Patutuluyin kita ngayong gabi at ihahatid pa kita sa inyo bukas sa isang kundisyon!” maya-maya ay bulalas nito. Napangiti ako sa sinabi niya at kulang na lang ay mayakap ko siya sa katuwaan. “Naku, maraming-maraming salamat! Ano ba’ng kundisyon mo?” masayang tanong ko. Bigla ring nalusaw ang ngiti ko nang pilyo siyang ngumiti sa akin at muling itinapat ang mukha niya sa mukha ko. “Sleep with me, tonight!” he whispered sensually ang I gasped. What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD