Marcus’ POV Tinititigan ko ang magandang nilalang sa ibabaw ng kama ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko inaalis ang paningin ko kay Ashnea nang sagutin ang tawag. “Bro! How’s your mission, huh?” it was my best buddy – Charles. I cursed at him for I know he’s pointing out about me being crazy about Ashnea. Si Charles lang ang matatawag kong tunay na kaibigan at tanggap kung ano ako. Isa sa pinaka-ipinagbabawal ni mommy ay ang pagkakaroon ng kaibigan. Sa estado ko, palagi niyang sibasabing ang kaibigan o anumang relasyon ay kahinaan lamang. At hindi ako puwedeng magkaroon ng kahinaan kung gusto kong mapanatili ang kapangyarihan at estadong mayroon ako ngayon. “Bakit ka biglang napatawag, asshole?” singhal ko sa kaniya. Tumawa lang ito sa kabilang linya. “I just want to rem

