Ashnea’s POV Ilang araw nang wala akong ganang magtrabaho at para akong lutang na ewan. Eksaktong dalawang buwan na ngayon mula nang umalis si Marcus at two weeks ago pa iyong huling pag-uusap namin sa cellphone. Miss na miss ko na siya pero wala akong magawa. Halos nagkasabay-sabay daw kasi iyong problema sa kumpanya niya na kailangan niyang ayusin kaya na-extend pa iyong pananatili niya roon. Nilulunod ko rin sa trabaho ang sarili pero parang walang silbi iyon dahil siya pa rin ang laman ng isip ko. Bandang hapon ay malungkot na naman akong uuwi. Kapag mag-isa lang ako sa apartment ay mas lalo ko siyang maiisip at maiiyak na lang naman ako dahil gustong-gusto ko na talaga siyang makita. Sobrang miss ko na siya. Nang ganap na akong makalabas ng building ay ramdam kong tila may mga pare

