“Brazil? Pupunta tayo ng ibang bansa?” namimilog ang mga matang tanong ko sa kaniya. “Seryoso ka ba?” dagdag ko pang tanong dahil nagulat talaga ako. Sinabi ko lang naman na gusto kong mag-beach at island hopping. Marami namang magagandang isla dito sa Pilipinas pero bakit doon pa sa malayo niya gusto? “Well, I’m serious. Besides, gusto ko rin ng malayo para walang istorbo. I will turn off my phone and you must, too,” sagot niya. Tinititigan ko talagang mabuti ang mukha niya at wala akong makitang kahit konting bahid ng pagbibiro. “Kaya ba gusto mong kumain sa bahay para ipagpaalam ako?” Nakapagpaalam na ako sa boss ko para sa plano naming bakasyon. Tatlong araw lang sana iyon, pero hindi ko alam kung paano napapayag ni Marcus iyon na maging isang linggo. Nagulat talaga ako noong makit

