Chapter 47 Hell of Love

2501 Words

Kinabukasan ay alas diyes na ng umaga nang magising ako. Nang maalala ang usapan namin ni Marcus na magkikita ngayon ay napangiti ako. Naligo ako at mabilis na nagbihis. Isang green floral dress ang isinuot ko at ballerina shoes. Hindi na ako nag-abalang magmake-up dahil kuntento naman ako sa hitsura ko. “Ate saan ka po pupunta?” inosenteng tanong ni Andrew. Namamaga pa rin ang mga mata nito kaya bigla tuloy akong nakunsensya na iiwan ko siya kahit saglit lang. “May lalakarin lang sana ako. Bakit, may kailangan ka ba?” banayad na tanong ko. Yumuko ako para pantayan ang mukha niya. Umiling ito at malungkot na yumuko. Nabagbag na naman ang damdamin ko. Awang-awa ako sa kapatid ko dahil sa murang edad ay dinaranas na niya ang ganito kapait na pangyayari sa buhay. “Ate bilhan mo ako ng ch

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD