Lianna's POV Tumingin siya sa phone niya at bumalik ang tingin niya sa akin. "I'm sorry, Lianna. I have to go na ha? Marami pa akong kailangang gawin." paalam niya sa akin. "Oh sure. It was nice meeting you, Layla." sabi ko sa kanya. "Same here, Lianna. See you!" sabi niya ng may malaking ngiti sa kanyang labi saka siya umalis palabas ng pool area. Halos isang oras din kaming nag-usap ni Layla. Ang saya niyang kasama. Hindi gaanong ka kwela pero mahahawa ka sa mga ngiti at tawa niya. Isang malaking kagaguhan ang ginawang pag-break sa kanya ng boyfriend niya. Tsk tsk. "Lianna! Sorry natagalan kami ah. Etong si Heather kasi eh." salubong sa akin ni Andy at pumunta sa pwesto ko. Si Heather naman ay seryoso lamang. What happened to her? "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Nagkibit ba

