Kabanata 19

1222 Words
Lianna's POV "Goodmorning." bati sa akin ni Ace ng makita niya akong gising. Pagkatapos ng kagabi ay natulog ako sa room niya. Halos buong gabi niya ata akong yakap-yakap at paulit-ulit na binubulong sa akin na mahal na mahal niya ako. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng mahal mo. "Goodmorning, Ace." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Bumangon siya at tumawag sa telepono. May kinausap siya roon at saglit lang at binaba niya na. "I ordered breakfast, baby." sabi niya. Gosh. Bakit ba ang husky ng boses niya. Ang messy ng buhok niya at ang sando na suot niya, bakat na bakat ang abs niya. I'm sorry. I just can't get enough of his abs. Umupo ako sa kama at ganoon din siya. Kinulong niya ako sa braso niya at hinalikan ang ulo ko. "So this is the feeling of waking up with your love in your arms." sabi ni Ace saka ngumiti ng napakalapad. "Parang hindi pa tayo nagkatabi sa kama ano?" sarcastic kong tanong. Tumawa siya. "Iba yun. Hindi naman kita kayakap nun eh. Eh ngayon, sobrang lapit mo sa akin. Pinipigilan ko lang ang sarili ko, Lianna. You are tempting me." sabi niya at namula ako. Tumayo ako sa kama at tumawa ng malakas si Ace. "M-magbabanyo lang ako." sabi ko saka dumiretso sa cr. Nakakahiyang humarap sa kanya ngayon. g**o-g**o ang buhok ko at sobrang haggard ko. Agad naman akong naghilamos at nagsepilyo. Aish! Nakakahiya talaga! "You look beautiful." bati ni Ace ng makalabas ako ng banyo. "Naka-drugs ka ba, Ace?" sabi ko sa kanya. Nakangiti siya na parang ewan. Nakaupo siya sa kama halatang hinihintay akong makalabas. "You are my drugs, Lianna." sabi niya. Gah! Baliw na po siya. "Nababaliw ka na? Gusto mo bang ipasok na kita sa mental?" di makapaniwalang sambit ko sa kanya. "Kung ikaw ba naman ang doctor na magpapagaling sa akin, why not?" nakangising sabi niya. "I can't believe you, Ace..." "Lika nga dito." sabi niya saka lumapit sa akin at hinila ako pahiga ng kama. Sobrang lapit ng mukha sa akin. Ramdam na ramdam ko ang amoy-mint niyang hininga. Mint? "H-hindi ka ba magto-toothbrush?" tanong ko. Mukhang nagulat siya. "Kaka-sepilyo ko lang, baby..." maakit na sabi niya sa akin. Oh my God... ang init na naman... *ding dong* Saved by the bell! Wooh! "Fck that room service." mahinang sabi ni Ace saka siya tumayo para pagbuksan ng pinto ang nagdala ng pagkain namin. Kinuha niya ang breakfast namin at bumalik sa kama. "Kain na tayo." malamig na sabi niya. Bipolar ba si Ace? Ang cute mehehehe. ---------- "Bagay nga kayo ni kuya. Pero sinasabi ko sayo, Lianna ah. Magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo. Baka sa sobrang pagmamahal mo kay Kuya Ace, makalimutan mo ng magtira para sayo." Ayan na naman si Heather sa kakaasaway sa akin. Kanina pa siya puro ganyan lang ang sinasabi niya. Naririndi na nga kami ni Andy dito sa tabi niya eh. Naging kaibogan ko ba talaga ang isang ito? Nandito ako ngayon sa kwarto namin talaga nina Andy at Heather. Pinapunta na muna ako dito ni Ace kasi may aasikasuhin daw muna siya. Sabi niya tatawagan niya ako kapag tapos na daw yung gagawin niya. Siguro sobrang busy siya. Hanggang ngayon hindi pa siya tumatawag sa akin eh. Halos limang oras na magmula nung nandito ako sa kwarto. Balak naman naming tatlo magswimming sa indoor pool. Nakakasawa rin kasi sa beach. Parang kaninag umaga lang pagkatapos namin kumain, dumiretso kami doon. Saka sabi rin nila may hotspring daw malapit sa pool. Gusto ko yun subukan. "Lianna, mauna ka na sa pool. Susunod na lang kami ni Heather." sabi sa akin ni Andy. Hindi ba kami sabay-sabay? "Bakit? Sabay na kayo." sabi ko sa kanila. "May ikakatagpo ata itong si Heather eh. Narinig ko boses niya, sobrang seryoso." sabi ni Andy. "Bahala kayo. Basta sumunod na lang kayo ah." sabi ko sa kanila saka ako dumiretso sa elevator pababa. Nakasuot ako ngayon ng rash guard. Baka kasi kapag nag two piece ako, sungitan na naman ako ni Ace. Masyadong possessive ang loko. Papunta ako sa pool ng may makabangga akong babae. Ang sexy ampupu. Naka two piece siya at parehas kaming natumba. Buti na lang naka see through siya para naman may panapal. "I'm sorry." sabi ko sa kanya. Napansin ko rin na nahulog yung towel at yung iba niya pang gamit kaya ako na ang dumampot nun para sa kanya at ibinigay iyon sa kanya. Ngunit bago ko pa iyon maibigay sa kanya ay may napansin akong isang bagay. Parang pamilyar ang bagay na ito. Mukhang napansin niya na nakatitig ako sa panyo niya na iyon. Oo panyo. May naka-burda kasi dito. Pamilyar ang pagka-burda nito. Sobra. "Ako ang may gawa niyan." nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "I mean, ako ang nag-burda niyan." sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Ang galing mo. Ang ganda niya." komento ko saka ko binigay ang panyo sa kanya. "Salamat. I made this about two years ago." sabi niya. "That was me and my boyfriend's initials. Alexander and Layla." sabi niyang muli. A•L Saan ko nga ba ulit nakita iyan? "Actually hindi lang panyo ang meron ako. Kaso nga lang nawala yun. Just like how my boyfriend broke up with me." malungkot niyang saad sa akin. "Oh my God... I'm sorry. Sana hindi ko na lang tinanong." guilty kong saad. Nakikita kong nanunubig na ang kanyang mata. Ang ganda ng mata niya. Ang kapal ng pilik mata niya. Para siyang isang porcelain doll. "That's okay. Actually kaya nga ako nandito kasi ako na ang magbababa ng pride para magkabalikan kami." sabi niya. "Ilang taon na sana kayo?" curious kong tanong. "We've known each other since childhood. Naging kami for two years. That day when I finished this, I broke up with him for some personal reason. So technically, two years na kaming hiwalay. It took two years for me to regain my confidence to have him back." sabi niya sa akin. Ako naman ay tahimik na nakikinig lamang sa kanya. "Oh! I'm sorry. Napakwento pa ako sayo." sabi niya sa akin. "Ayos lang sa akin." sabi ko sa kanya. "By the way, I'm Layla. Layla Madrigal." pakilala niya sa akin. Wow. Kapangalan niya si mom ah. "Nice to meet you. Ako naman si Lianna Edwards." pakilala ko naman sa kanya saka ko inilahad ang kamay ko. Tinanggap naman niya iyon. Naglakad-lakad kami sa pool area habang nagkulwentuhan. Actually, masaya siyang kasama. Palatawa siya at nakakahawa ang mga ngiti niya. "So I heard na nandito si Alexander. Though, hindi ko pa siya nakikita. Pero I will use this chance to have him back. This is maybe my last resort. This is my last chance." sabi niya. Nakakaawa siya sa totoo lang. Bakit hindi yung lalaki ang sumuyo sa kanya? Bakit kailangang siya ang maghabol? Sa tingin ko naman may dahilan siya kung bakit niya iniwan yung Alexander. Iniwan niya daw ito dahil pumunta siya sa Europe for some reasons. Hindi na ako nagtanong pa dahil kakakilala lang namin no. "Well, I might as well take this chance. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko, pero hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para sa mahal ko." seryosong sabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD