Kabanata 18

2008 Words
Lianna's POV "So ganun? Ganyan ka, Lianna eh. May jowa ka lang hindi ka na sasama sa amin?" nagtatampong sabi ni Andy. "Where the hell is Kuya Ace?! I'll kill him! Bonding nating tatlo ito eh! Bakit ngayon siya sisingit??" nanlulumo si Heather. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kanina. Para silang kinilig na ewan. Kesyo daw Papa Ace yan sabi ni Andy. Si Heather naman sabi niya panira daw si Ace. "I didn't know na kaibigan mo pala si Lianna, Heat." biglang sulpot ni Ace at kinausap si Heather. "Stop calling me Heat, Kuya Ace. I'm not a kid anymore. Bahala kayong dalawa! Basta make sure to return her ha? Kailangan buo pa si Lianna!" banta ni Heather kay Ace. "Tara na, Heather! Diba gorabells sa tayo? Oh ano pang ginagawa niyong dalawa dito? Shupe na!" sabi ni Andy saka niya kami tinulak palayo ni Ace. Hapon na rin at kumonti ang mga tao sa beach. Siguro mga pagod na. Pinagpalit ako ng damit ni Ace. Ngayon ay naka t-shirt at shorts na naman ako. Si Ace ay naka black sando at beach shorts. Bakat na bakat ang kanyang mga muscles kaya naman panay pa rin ang mga tingin ng babae sa kaniya. Eh kung dukutin ko kaya ang hiyas nila ng matauhan sila?! "Saan tayo pupunta, Ace?" tanong ko sa kanya. Kinuha naman niya ang kamay ko at inintertwine ang kamay naming parehas. Ang init ng kamay niya. "Ang g**o ng buhok mo." sabi niya. Medyo mahangin kasi dito sa beach kaya naman nililipad ang buhok ko. Wala naman kasi akong panali eh. May kinuha siya sa bulsa niya at pinakita iyon sa akin. "I saw this earlier near the rocks. Hindi ko alam kung sino ang may-ari kaya kinuha ko na." sabi niya at nakita ko naman ang isang panali na may nakalagay na 'A•L'. Para itong nakaburda sa panali. Ang cute tignan. Ace and Lianna. Pumunta siya sa likod ko at inangat ang buhok ko para itali iyon. Nagulat ako sa ginawa niya. Para namang tinatambol ang puso ko dahil sa kanya. "There. I can see your beauty much more than earlier." sabi niya at hinila ako papunta sa kanya. Tinignan niya ako mata sa mata. "Wala akong alam sa ganitong mga bagay, Lianna. Hindi ko ugali ang magpaka-sweet sa kahit na sino. Pero handa ko iyong gawin para sayo. Handa akong magpaka-corny para lang makuha ko ang matamis mong 'oo'." sabi niya at hinalikan ang noo ko. "I'll wait for that moment to come." sabi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Dinala niya ako sa parang tahimik na lugar dito sa beach. Walang mga tao at napaka-presko lalo ng hangin. Wala kang ivang maririnig kundi ang tunog ng kalikasan. I never thought that Philippines is such a beautiful country. "Wala pa akong gaanong alam tungkol sayo, Lianna. Ang alam ko lang ay inisin ka. Why don't we start this getting to know each other stage?" alok niya. Mukhang maganda nga. Mas maganda na makilala pa namin ng lubos ang isa't isa. "Sure." sabi ko na lamang. Nilagay niya ang braso niya sa balikat ko at nilapit ang ulo ko sa dibdib niya. "I'll ask you a question then you'll answer it. Honestly. Then vice versa." sabi niya. Tumango naman ako. "I'll start." sabi niya. "Bakit sa California ka lumaki?" "Dahil nandoon ang business ni dad. It's not like I don't like it here but mas comfortable ako sa California. I used to have great memories there." saad ko. "Then we'll make more great memories here. With me." sabi niya. Hindi ko naman mapigilang kiligin sa sinabi niya. "Ako naman. Anong ugali sa isang tao ang pinaka-ayaw mo?" tanong ko. "Yung nang-iiwan. Babalik lang sila kapag may kailangan sayo. I used to experience that kind of situation." paliwanag niya. Ako naman ay na-curious pa. "When?" tanong ko. "Matagal na." sinpleng sagot niya. Napa-pout ako. "With whom?" tanong kong muli. "With someone I hate the most." sabi niya. Magtatanong pa sana ako ng pigilan niya na ako. "Stop asking me. Madaya ka na ah." biro niya. "So, what makes you happy?" tanong niya. Eh? Ano nga ba? Napaisip ako sa tinanong niya. Ano nga ba ang nagpapasaya sa akin? "Si Vernon." sagot ko. Nakakatuwa kaya siya. Lalo na nung time sa Show Me The Money when he blurted out 'headlines, headlines'. Hindi siya ganoon ka palatawa pero hindi ka mabo-boring sa kanya. Kumunot ang noo ni Ace sa sinagot ko. "Who the fck is Vernon?" nagpipigil na galit niyang tanong. Wait. Don't tell me nagseselos siya kay Vernonie? "Are you jealous?" tanong ko habang naka-ngisi ako. "Fck yeah. Tell me who that is and I'll vanish him from this world." seryoaong sabi niya. Napatawa na lang akong muli. "He's just an idol in Korea, Ace. Ni hindi niya ako kilala. What's the reason to be jealous?" "That person you mentioned, is making you happy. I want myself to make you happy, Lianna. I will do anything to see your precious smile." sincere na sabi niya. Hinahaplos na naman ang puso ko sa mga pinagsasasabi niya. "Oo na. Ako naman. What makes you happy, Ace?" tanong ko. "You. You make me happy. No matter how hard it is to be with you, you keep on making me happy. With just simple movements from you, I get happy. Lalo na kapag nakikita ko ang ngiti sa mga labi mo." sabi niya ng diretso. Ni hindi man lang siya nag-isip. "When is your birthday?" tanong niya. Hindi niya ba alam yun? Ako nga alam ko birthday niya eh. February 18, 1993. Kung paano ko nalaman? Sa akin na lang yun nyahahaha! Pero ka birthday kaya ni Ace si Vernon! Nakakilig mehehehe... "August 19, 1995." sagot ko sa kaniya. "Bakit ang sungit mo?" wala na po akong matanong hehehe. Eh halos ng tungkol sa kaniya ay alam ko na. "Ganito talaga ako noon pa." sagot niya saka hinalikan ang ulo ko. Simpleng gesture niya lang yun pero para akong pinapapak ng langgam sa ginagawa niya. "Gusto mo ba ako?" nagulat ako sa tanong niya. Mahal ko siya. Mali ang tanong niya. Pero dapat ko ba iyang sagutin? Magsasalita pa lang ako ng sumingit siya. "Don't answer it. Baka masaktan lang ako." sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit. Masasaktan ka ba kung sasabihin kong mahal kita? Ako na ang magtatanong. "Bakit ako? Maraming babae diyan, Ace. Bakit ako?" tanong ko. "Kasi ikaw ang mahal ko, Lianna. I hate you. Lahat ng hindi ko tipo sa isang babae ay nasayo. Pero ikaw pa rin ang nagustuhan ko. Hindi ko rin alam. Basta bigla na lang akong tinamaan. Isang araw nagising na lang ako na mahal kita. Na hindi ko kayang mawala ka." sambit niya. "Let's stop this. Gusto ko munang yakapin ka. Gusyo kong maramdaman na nasa tabi lang kita." sabi niya at inamoy ang buhok ko. "Can you promise me one thing?" tanong niya. Tumingala ako sa kanya. "Ano yun?" tanong ko. "Promise me to never leave me. Promise me that you will always stay with me. Mahal mo man ako o hindi, dito ka lang sa tabi ko. Hindi ko kakayanin, baby. Sabihin mo na ang selfish ko. Pero ikamamatay ko na makita kang may minamahal ibang lalaki bukod sa akin. Gusto ko ako lang." kumikinang ang mga mata niya at halatang nagmamakaawa sa akin. "Sabihin mo man yan o hindi, gagawin ko pa rin iyan, Ace. Hindi kita iiwan. Oo pansamantala akong lumayo pero hindi kita iniwan. Babalik at babalik ako sayo." "What did you say?" What the hell? Hindi niya narinig? Grabe ha. "Wala! Sabi ko oo! Sabi mo eh." yun na lamang ang nasabi ko at napangiti siya. Abnoy. "Let's go." aya niya sa akin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pero ngumiti lang siya at hinila ako patayo. Tumakbo kami na parang hinahabol kami ng buong barangay. Ang abnormal pakinggan pero ang saya ko. Ang saya-saya ko. Hanggang sa tumigil kami sa isang lugar. May mga tao na dito pero kakaunti pa rin. Para siyang restaurant. Pero bakit walang tao? Hinila niya ako papasok ng restaurant at binati kami ng mga staffs. Patuloy na naglakad si Ace at hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Hanggang sa umakyat kami ng kagdan at bumungad sa akin ang isang magarbong lamesa na halatang pinaghandaan talaga. May mga pagkain doon at may mga guitarist at vocalist sa gilid. Pinaghila niya ako ng upuan at umupo ako doon. "Gaya nga ng sinabi ko kanina, wala akong alam sa mga ganitong bagay. Pero hindi ako susuko, Lianna. I won't stop until you call me mine." sabi niya. Nagsimula kaming kumain at patuloy lang sa pagtugtog ang maliit na banda. Para sa akin, ang romantic ng ginawa ni Ace. Hindi man siya marunong pagdating sa ganitong mga bagay, pinilit niya pa rin. Halata naman na nage-effort siya. Nagkwentuhan kami hanggang matapos kaming kumain. Nagpahinga kami sandali saka niya ako inayang magsayaw. Bigla namang tumugtog ang banda ng bagong kanta. Nagsimula silang tumugtog ng Can't Help Falling In Love With You. Ang ganda ng tugtog. Parang hinihila ako papunta kay Ace. "Can I have this dance, baby?" tanong niya sa akin. Hindi ako nagdalawang isip at tinanggap ang kanyang kamay. Ginalaw niya ang katawan niya at sinundan ko iyon. Nakakawit ang dalawang braso ko sa kanyang batok at ang kanya naman ay nasa bewang ko. Tinititigan niya ang mga mata na tila ba ito ang pinaka-magandang bagay para sa kanya. Ibang Ace ang nakikita ko ngayon. Hindi yung serysong Ace na laging nakakunot ang noo. Ang nakikita ko ngayon ay ang Ace na may malapad na ngiti sa kanyang labi at may kinang ang mga mata. Pinatong niya ang labi noya sa balikat ko at hinalikan iyon sandali. Para namang nagsilabasan ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. I can't help but admit that his simple gestures makes me fall for him even more. Hinalikan niya ang noo ko at nagsalita. "I may not be the perfect man for you. But I will be the man who will love you, always. I have too many flaws. But you never pointed them out. You are my savior when everyone doubted me. You believed me, instead. Remember in Macau? You said before that I can do it. I thought I'm a useless person. But with you by my side, I always get my inspiration. You understanded my situation. Instead of getting mad, you told me that it's okay." pahayag niya. Nanunubig ang mga mata ko sa sinasabi niya. "Like this song says, I can't help falling in love with you, Lianna. Hindi ikaw yung tipo ko. Ni wala sa ugali mo ang nagustuhan ko. Pero lahat ng ayaw ko sayo ay natutunan kong mahalin. Sinubukan kong pigilan pero fck. Hindi ko na kaya. Sinubukan kong saktan ka noon pero nung makita ko ang mga mata mong naiiyak mas doble ang sakit sa akin. I can't bear to see you hurting, Lianna. If needed, gagawin ko ang lahat ng kagaguhang ka-cornyhan para lang mapasaya kita. Para akong sinasaksak kapag nakikita kong malungkot ka." Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "Don't cry, baby. It hurts me like hell to see you crying." pahayag niya sa akin saka pinunasan ang luha ko. Humikbi ako at sinubsob ang ulo ko sa dibdib niya. Tinanggal niya ang isang kamay niya sa bewang ko at nilagay iyon sa ulo ko. Hinalikan niya ito bago nagsalita. "Mahal kita, I love you, Te quero, Je taime, Wo aini, Saranghae. Lahat ng lenggwaheng alam ko, kung kinakailangang gamitin ko para lang sabihin sa iyo na mahal kita ay gagawin ko. Handa akong gawin ang lahat para sayo. Sinusugal ko na ang puso ko para sa pagmamahal ko sayo. Wala na akong pake kung ano pa ang mangyari, Lianna. Mamamatay ako kapag kinimkim ko pa." sabi niya at inangat ang mukha ko. Tinitigan niyang maigi ang mukha ko. "Mahal na mahal kita, Lianna." sabi niya saka hinalikan ang noo ko. Pumikit ako at dinama ang halik na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD