Lianna's POV
Sht. Bakit nandito si Ace? Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring walang narinig. Parang tinisok ng milyon-milyong karayom ang puso ko ngayong nandito siya sa harapan ko.
Ano ba ang ginagawa niya dito?
"Lianna, kausapin mo naman ako."
Parang hindi ko siya matiis. No! Hindi ka pwedeng magpadala sa kanya Lianna! Masasaktan ka lang.... ulit.
"Let me explain please." pakiusap niya sa akin. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa dagat. Ganyan nga, Lianna...
Wag mo siyang pansinin...
"Talk to me baby, please...." napapitlag akong tawagin niya akong baby. Sht. Parang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. Gosh Ace, ano bang ginawa mo sa akin!
Hinarap niya ako sa kanya at tinitigang maigi ang mga mata ko. After one week, I finally saw his eyes again. His beautiful pair of blue eyes.
"Please... talk to me." pakiusap niya. Dapat ko ba siyang pagbigyan.
"I'll give you five minutes to talk, Ace." sabi ko sa kanya. Para naman siyang nabigyan ng pag-asa sa sinabi ko at hinila ako sa isang bakante na cottage.
"Bago mo simulan ang sasabihin mo, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Sinundan niya ba ako? Malamang hindi, Lianna. Assuming ka na naman.
"I have my ways, Lianna. But first, cover that beautiful body of yours. I might kill those men earlier for lusting over your body."
Oh my God! Ang vulgar magsalita ni Ace! Ang lusting over my body? Di ba pwedeng nakatitig lang? Hinubad niya ang long-sleeve polo na suot niya ngayon at binigay sa akin. Abs...
Ito na naman ang abs niya... no! Hindi ka dapat magpadala sa ganito niya. Pero anong magagawa ko? Mahal ko eh.
"I'm sorry sa ginawa ko noon." sabi niya. Mukha namang sincere siya.
"Sorry saan? Anong ginawa mo noon ang pinagso-sorry-han mo?" mataray kong sabi. Totoo ang pinapakita kong emosyon ngayon. Masakit lang talaga noon.
"Nung nakita mo ako sa pool. I'm sorry about that." sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Why did you do that? Masakit kasi eh. Alam mo ba yung pakiramdam na hinalikan mo ako tapos makikota kong may kahalikan kang iba?" nasa tono ng pananalita ko ang sakit.
"I don't know Lianna..."
"You don't know?! Eh anong kagaguhan ang dahilan? Bibigyan mo na nga lang ako ng rason kung bakit mo yun ginawa, hindi mo pa maibigay?" tumataas na ang boses ko sa kanya.
"Believe me, Lianna. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. I just lost my control when I saw you and Levi." paliwanag niya.
"Pero bestfriend ko si Levi!" sigaw ko. Ano bang kagaguhan ito?
"Walang tanga na lalaki ang mananatiling bestfriend mo, Lianna! At hindi ako tanga para hindi malaman na hindi lang bestfriend ang turing sayo ni Anderson!" sigaw niya pabalik. Alam ko na yan, Ace. Hindi rin ako manhid para hindi yun maramdaman, Ace. Alam na alam ko yun. Pero mas pinili kong hindi na lang pansinin. Alam ko rin naman na simpleng paghanga lang iyon. Nothing more. Pero iba lang talaga ang paniniwala mo.
"This is about you Ace. Wag mong ibaling ang usapan kay Levi." seryosong sabi ko.
"Hindi ko iniiba ang usapan, Lianna." he balled his fists at halatang pinipigilan niya ang galit.
"Then please enlighten me, Ace! Hindi yung mukha akong tangang nanghuhula sa kung ano ang nangyayari!" sigaw ko. Hindi ko na talaga kayang pigilan.
"Maging ako ay hindi ko maintindihan, Lianna! Pinipigilan ko ang nararamdaman ko! Pero kahit anong pigil ko, hindi ko kaya!!"
"Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo?!" wala akong maintindihan sa sinasabi niya.
"Akala mo ba ako ang manhid dito, Lianna? Hindi! Alam ko ang lahat! Lalo na pagdating sayo. Pero ikaw itong... ikaw ang manhid sa ating dalawa." sumbat niya sa akin.
"At bakit sa akin naman napunta ang usapan?"
"Dahil manhid ka!" sigaw niya.
"Oo alam kong gago ako! Matagal na akong gago! Kaya nga hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin Lianna eh. Alam kong hindi pwede! Pinipigilan ko ang nararamdaman ko! At ang hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ito! Hindi ako nagkulang sa paglayo! Lumayo ako hangga't kaya ko pero pucha lang eh!" sigaw niya. Wlaa na kaming oake kung may makarinig man sa amin ngayon. Saglit siyang tumigil bago pinagpatuloy ang pagsalita.
"Gusto kita! Gustong gusto kita, Lianna! Tang*na lang! Bakit ang manhid mo!" sigaw niya at yumuko.
"Bakit mo sinasabi sakin ito ngayon?" sabi ko na lamang.
"I want you. I want you back. Oo siguro ngayon, hindi ka pa handang mahalin ako. Pero for freakin' Pete's sake! Handa akong maghintay, Lianna!" pag-aamin niya sa akin. Wala akong masabi.
"Ano ang sinasabi mo?" alam ko naman eh. Pero parang wala pa ring pumapasok sa isip ko ngayon.
"Mahal kita, Lianna. Sa tingin ko hindi na lang ito simpleng gusto na lang. Mahal kita. Sinabi ko ang mga salitang iyon para maiwasan ka. To make you hate me. Yeah you hated me but I hated myself more for making you hate me. When I saw you with Levi, I wanted to punch him like crazy, Lianna. Let me express my feelings for you. Let's make this work, Lianna. In this three days, let me love you. Ipaparamdam ko ang nararamdaman ko." sabi niya.
Grabe. Parang ito ang pinakamasayang araw ko.
"H-hindi ko alam..." wala sa sariling sabi ko. Gusto ko. Gustong gusto ko. Pero natatakot ako na masaktan.
"Tatlong araw, Lianna. Hayaan mo akong mahalin ka. If this didn't work, I'll distance myself. Pero kapag minahal mo ako... wala ka ng kawala. I will never let you go." seryosong sabi niya. S-si Ace ba talaga ito?
"Please... give me a chance." pagmamakaawa niya.
"Hindi ko alam Ace..." hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kong pumayag. Mahal ko siya. Pero natatakot akong sumugal. Dahil baka ako na naman ang talo.
"Then I'll make you know. You'll give me a chance and you'll love me." matigas niyang sabi.
You don't have to, Ace. Mahal kita. Matagal na.
"Ace..."
"I won't stop until you'll love me, Lianna." pamimilit niya.
"Ace, please..."
"Why won't you let me love you, Lianna?!" bigla naman niyang sigaw. Hindi naman iyon gaano kalakas pero nagulat pa rin ako. This time parang puno ng emosyon ang sinabi niya.
"Tell me. Is it because of Anderson? Totoo ba ang sinabi niya? Kayo na?" nakita kong nanunubig ang mga mata niya.
"No..." depensa ko. Saan naman niya nakuha iyon?
"Then why? I'm hurting, Lianna." parang napintig ang tenga ko.
"I'm hurting too, Ace. You won't understand me." nanlulumo kong sabi.
"Make me understand it then." seryosong saad niya sa akin. Pero hindi ako sumagot.
He pulled me closer to him. He held my face using his hands and locked my eyes into his.
"Just let me love you. Hirap na hirap din ako Lianna. But please, let's make this work. I'll do everything. I'll win your heart." sabi niya.
"Do what you want." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. I felt loved when he did that.
"Let's go. I knew this will turn out good." sabi niya at hinila ako patayo. He held my hand and it sent shivers down to my spine.
"Why are you holding my hand?" tanong ko. Keme lang nyahahaha.
"This is my way of winning your heart, baby. Patikim pa lang ito." sabi niya at kinindatan naman ako. Okay? What the heck? Bakit ang hot niya? Tapos topless pa siya? Edi pinagtitinginan siya ng mga babae? Oh ano namang sabi ko? Bikini tapos may polo? Wow ha?
Tatanggalin ko na sana ang polo ng magsalita si Ace.
"Your body is only for me to see, Lianna. Kung meron mang ibang nakakita niyan noon, ako na lang ang makakakita ngayon. I'll rip their eyes before they even see you wearing those offensive bikinis." sabi niya at inakbayan ako. Ang unfair niya! Binabalandra niya yung abs niya tapos ako tagong-tago? Ano ito?
"Yung mga babae nakatingin sayo, Ace. Pinapapak ka na yata nila sa isip nila." sabi ko sa kanya na may halong pagtatampo. Tinawanan niya lang ako. Aba! Ako? Tinawanan niya lang?
"Let them, baby. Hindi naman ako mapapasakanila eh." sabi niya ay kinindatan niya ako ulit. Hindi naman siya mahilig kumindat ano?
"Ang daya mo." sabi ko.
"I'm a possessive man. I won't let those man see you wearing sexy dresses. It's only for me to see, Lianna." sabi niya.
"Akin ka at akin ka lang. I won't let anyone have you. Selfish or possessive it may seem, pero nababaliw na ako sayo. Hindi lang kita makita even for a second ay pakiramdam ko maglalaho ako. You are my d**g. You are my soul. You are my life. Everything means nothing without you by my side. I'll win your heart. And I will make sure when that happens, you won't even dare leave by my side,Lianna. I mean it. And when I say it. I'll do it."